GMA Logo Julia Montes Alden Richards
What's Hot

Julia Montes, may napatunayan sa attitude ni Alden Richards

By Jimboy Napoles
Published April 18, 2023 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Julia Montes Alden Richards


Ano kaya ang masasabi ni Julia Montes kay Alden Richards sa first-time pairing nila sa pelikulang Five Break-ups and a Romance?

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang Kapamilya actress na si Julia Montes at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards para sa pelikulang Five Break-ups and a Romance sa ilalim ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad, sa direksyon ni Irene Villamor.

Sa ginanap na press conference ng nasabing pelikula ngayong Martes, April 18, first-time na humarap sa media nina Julia at Alden nang magkasama.

Dito ay ikinuwento ni Julia ang kaniyang unang naging reaksyon nang malaman na makakatambal niya si Alden, at sinabi niyang honored siya na makatrabaho ang aktor.

Aniya, “Noong nalaman ko po siyempre nagulat ako, hindi na ako magkukunwari, nagulat talaga ako with Al sabi ko, 'Seriously ako po? Talaga ba? Ako?' and then siyempre honored and happy ako to work with him.”

Ayon pa kay Julia, hindi pa man nila natatapos gawin ang pelikula ay tila nakilala niya na agad si Alden at alam niya na kung bakit marami ang nagkakagusto sa attitude at work ethics ng Kapuso actor.

Kuwento niya, “Hindi pa kami masyadong matagal na nagsu-shoot pero na-appreciate ko that's why Alden Richards is Alden Richards alam ko na kung bakit.”

Abangan sina Julia at Alden bilang sina Justine at Lance sa Five Break-ups and a Romance na ipapalabas ngayong 2023.

SILIPIN ANG IBA PANG KAPUSO-KAPAMILYA ON-SCREEN PAIRINGS SA GALLERY NA ITO: