Showbiz News

Alden Richards is now more open to unusual and extraordinary acting roles

By EJ Chua

Sa katatapos lang na media conference para sa unang proyekto na pagtatambalan nina Julia Montes at Alden Richards, kabilang sa napag-usapan ay ang tungkol sa kanilang mga karakter.

Sa kalagitnaan ng event, ikinuwento ni Alden na sobrang kakaibang role ang kanyang gagampanan sa kanilang pelikula na pinamagatang Five Break-ups and a Romance.

Unang sinabi ng aktor na ibinigay niya ang kanyang tiwala kina Direk Irene Villamor at Julia na kasama niya sa naturang project.

Pahayag ni Alden, “What I'm very excited about this film is 'yung scenes na gagawin ko na hindi ko pa nagawa. Binigay ko 'yung trust ko kay Direk [Direk Irene Villamor] and Julia para sa project na 'to.”

Kasunod nito, ibinahagi niya na ready na siyang mas maging open para sa mas mabigat pang roles.

Ayon kay Alden, “Ang safe ko kasi with the roles that I play, ayaw ko nang maging safe. It's about time, I'm not getting any younger with roles. 'Yung being not safe doesn't necessarily mean na go all-out. Being not safe anymore means break out of the usual. More open, parang aalisin ko na 'yung sarili ko kasi I'm really an actor by heart na more than anything, more than a businessman.”

Dagdag pa niya, “Ito 'yung feeling kong gagawin ko for the longest time. Kasi, parang I think Julia and I share the same sentiments na 'yung acting kasi sa amin ay food for the soul. Parang masaya kami na nabibigyan namin ng buhay 'yung iba't ibang kuwento ng tao sa mundo.”

Paglalarawan pa ng tinaguriang Asia's Multimedia Star sa isang interview, medyo “dirty” daw siya sa movie na hindi iisipin ng mga tao na siya iyon.

Abangan ang unang pagtatambal nina Julia Montes at Alden Richards sa romance-drama movie na Five Break-ups and a Romance na mapapanood ngayong 2023.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING LADIES NI ALDEN RICHARDS SA KANYANG PREVIOUS PROJECTS SA GALLERY SA IBABA: