Showbiz News

Misis na sinaktan at niloko ng mister, tinulungang bumangon sa buhay ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc

Tinupad ng Wish Ko Lang ang hiling ng misis na si Susan (Valerie Concepcion) na magkaroon ng sariling pangkabuhayan para masuportahan ang kanyang pamilya.

Sa ngayon, mag-isa nang binubuhay ni Susan ang kanyang anak matapos na tuluyang iwan ang mapang-abuso at manloloko niyang mister.

Kuwento ni Susan sa Wish Ko Lang, matapos siyang pagtaksilan ay ilegal pa na kumonekta sa kuryento nito ang babae ng kanyang mister. Kaya naman kahit na anong pagtitipid sa paggamit ng kuryente ay umaabot pa rin sa libong piso ang kanilang binabayaran.

Para matulungan si Susan, nagbigay ng electric bill assistance ang Wish Ko Lang. Kasama naman sa negosyo packages ang instant coffee business, RTW and bags business, frozen food business, yema spread business, at home cleaning essentials.

May regalo ring dinnerware set at energy-saving appliances. Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para sa pamilya ni Susan.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na istoryang tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI VALERIE CONCEPCION SA GALLERY NA ITO: