advertisement
Showbiz News

True love waits: Mika dela Cruz and Nash Aguas's love story

1 of 13

How they met

Bago pa man naging magkatrabaho sina Mika Dela Cruz at Nash Aguas sa kanilang isang kiddie show ay nagkakilala na sila sa isang pelikula na 'Tiyanaks' noong 2007.

2 of 13

Crush at 2007

Taong 2007 rin nang naglakas siya ng loob si Nash Aguas na mapalapit sa kanyang crush na si Mika Dela Cruz. Aniya, "Sumayaw tayo nyan ng opening prod. Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko 'dyan dati nagtrabaho si mommy'. Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy. Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para maakbayan kita. Eh wala eh. 'Crush' kita nun eh."

3 of 13

Friendship

Nang maging magkatrabaho ang dalawa sa telebisyon ay naging magkaibigan na sila. "Takang taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan. nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully."

advertisement
4 of 13

Moves

Simula noon, gumagawa na raw ng iba't ibang paraan si Nash para mapalapit sa kanyang crush na si Mika. Aniya, "Inaagaw ko noon sa GB Cruise yung backpack mo tapos ako magdadala kasi parang may hollow blocks sa bigat kung magimpake si tita. Pero tinatarayan mo ako."

5 of 13

Friendzoned

Inamin ni Mika sa kanyang post na nahuli sila noon ng kanyang kuya kaya nauwi sa friendzone si Nash. Aniya, "Nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!) kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako. Dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro zone ko si nashie!"

6 of 13

Good memories

"Halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama. magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO'T PUSA to be exact. lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA," saad ni Mika sa kanyang post.

advertisement
7 of 13

Forbidden City

Kuwento naman ni Nash ay nang magpunta sila sa China ay gumawa muli siya ng moves kay Mika. "Nagpapicture ako sayo noon sa Forbidden City sa GB China tapos takang taka ka. Kasi gusto ko gayahin natin yung pose ni Jayden smith at nung partner nya sa Karate Kid. Tinatarayan mo pa din ako."

8 of 13

Cute gestures

Pati paggaya sa eksena mula sa isang Korean series na 'Boys Over Flowers' ay ginawa ni Nash para kay Mika. "Nagkaroon ka lang ng maliit na sugat hihilahin kita ng di ako nagsasalita (mala goo jun pyo) tapos lalagyan kita ng betadine at band aid kahit mas malaki pa yung langgam sa sugat mo."

9 of 13

Gap 

Nabanggit din ni Nash na nagkaroon din ng gap ang pagkakaibigan nila ni Mika. Kuwento niya, "Nagpunta ako ng US (2012). Nawalan ng communication. Pagbalik ko, awkward na kasi di na kami bata. Ang dami din nangyari. Lumipat sya ng ibang station. Tapos nag move on na kami sa kanya kanya naming buhay."

advertisement
10 of 13

2017

Noong 2016 to 2017 may pinagdaanan umano si Nash at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkaharap ni Mika. "Tapos aug 2017, parang magic na nakasalubong namin ni mommy, sya at si tita sa Trinoma."

Taong 2017 nang nagsalita si Nash tungkol sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.

11 of 13

Maturity

Sa kanilang muling pagkikita, dumating na ang tamang edad at panahon para simulan ang kanilang love story. Ani Mika, "Akala namin talagang di na kami magkikita. pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nagmature kami..ng biglang... isang araw... nagkita kami at boom."

12 of 13

Meant to be

"Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin." pagtatapos ni Nash sa kanyang magandang kuwento ng love story nila ni Mika.

advertisement
13 of 13

First Valentine's day together

During their first Valentine's day together, Nash cooked sinigang and steak which surprised Mika. He even brought her a bouquet of sunflower.

WATCH: Mika Dela Cruz receives sweet Valentine surprise from BF Nash Aguas