
Marami ang namangha sa kagandahan ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol na rumampa bilang Reyna Emperatriz sa 2023 Grand Santacruzan sa Orion, Bataan noong Lunes, May 8.
Sa Instagram, ibinahagi ng Binibing Pilipinas first runner-up ang ilang mga larawan niya habang suot ang magarbong gown na gawa ng Filipino designer na si Zyrill Jane Jacinto.
Ayon kay Herlene, na-miss niya ang pagsali sa Binibining Pilipinas nang marinig niya ang hiyawan at palakpakan ng mga taga-barangay Lati.
“Yung mga hiyawan, sigawan at palakpakan kahapon at nagsisigawan ng Hipon, Hipon, Hipon! Bigla ko na miz nung pag sali ko sa @bbpilipinasofficial. ganyan na ganyan habang rumarampa ako bilang REYNA EMAPERATRIZ,” sulat ng Magandang Dilag star sa kanyang caption.
Sa Facebook post ni Herlene ay ikinuwento niya na ito ang kanyang first Sagala experience.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Herlene sa nag-imbita at sumuporta sa kanya para matupad ang isa sa kanyang mga pangarap kabilang na rito ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.
Aniya, “Ang galing ni Lord noh... Dati hanggang nood lang at nangangarap lang Hipon Girl niyo pero ngayon ako mismo gaganap as REYNA EMPERATRIZ. Thank you Intele Builders and Development Corporation for inviting me at Barangay Lati Orion Bataan para sa Grand Santacruzan. Salamat Manager Wilbert Tolentino sa paranas lahat ng first time.”
KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA NAGING BAHAGI RIN NG SANTACRUZAN SA GALLERY NA ITO: