Showbiz News

Max Collins, ibinahagi ang suportang ibinibigay ng 'Innamorata' co-stars


Bukod sa sayang naramdaman ni Max Collins nang malaman niyang siya ang magbibida sa Afternoon Prime soap na Innamorata, masaya rin umano ang aktres sa kanyang co-actors sa nasabing proyekto.

Aniya, isa sa mga nagbigay suporta sa kanya ay ang kanyang kaibigan na si Jackie Rice na gumaganap naman bilang Gina.
 
“Sobra-sobra [ang suporta ni Jackie] kasi even noon pa na wala pa akong show, sinasabi niya sa akin, 'Bakit wala ka pang show?' Ganoon siya lagi sa akin. Tapos noong nalaman niyang magkasama kami, talagang sinuportahan niya ako all the way,” saad niya.

Si Gwen Zamora na gumaganap bilang Alejandra ay maalaga umano sa kanya. Kuwento ni Max, “She's always there if I need anything kahit hair tie ibibigay niya kung may kailangan ako. We also talk about our characters, our roles na kapag feeling namin na 'Okay ba 'yung ginagawa ko?'. Nag-share talaga kami, and I think minsan rare kasi kapag nakita mo sa set na maraming girls na nag-share ng thoughts about character, about performance, pero ganoon kami.”

Masaya ring ibinahagi ni Max ang suportang ibinibigay sa kanya ni Luis Alandy, ang kanyang leading man na gumaganap bilang Edwin Manansala.

“Si Luis sobrang supportive rin. 'Yung gusto ko sa kanya is sobrang humble niya. Kahit matagal na siya sa industriya, and the fact na sinabi niya na he just loves his craft kahit anong role niya. Ganoon siya,” saad ng Innamorata actress.

Dagdag ni Max, “Napaka-supportive niya sa co-actors niya. He doesn’t try to outshine anyone.”

Abangan si Max Collins sa Innamorata, Monday to Friday pagkatapos ng Villa Quintana.

Para sa updates mula kay Max Collins at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com