Showbiz News

Chillin’ with Joyce Ching: You asked, Joyce answered


Hindi madalas nasasagot ng stars ang questions na ipinapadala ng fans via social media.

Pero sa Part 2 ng webisode ni Joyce Ching sa GMANetwork.com titled Chillin' with Joyce Ching, naglaan siya ng oras para ipaalam sa kanyang minamahal na fans ang sagot sa kanilang questions.

Below is her Q and A transcript.

 
Ma. Lorie Rose Gabon: What makes you unique from other teen stars?
Joyce: Singkit ako. In fairness ha, ako lang yung medyo singit. Saka mostly kasi ‘yung teen stars ngayon, more on sa mga love team-love team. (Ako, more on) pang-kontrabida role. (Pero) lahat naman kasi ng tao unique so kahit anong paraan, makakahanap tayo ng (differences natin sa isa’t isa).
 
Rosalyn Rebong: May similarities ba kayo ni Cheska?
Joyce: Si Cheska, mahal naman talaga niya ‘yung magulang niya. Talagang loving daughter naman siya. (Pareho kaming) mapagmahal sa pamilya.
 
Candy Arcilla: Kailan po ulit kayo magsasama sa teleserye ni Ate Barbie?
Joyce: Hindi ko rin po alam pero sana soon magkasama ulit kami para more bonding moments.
 
Hanna Bianca Villanueva: After Paraiso, babalik ka na ba sa Bubble Gang?
Joyce: Pinagmi-meeting-an pa po kung makakabalik ako sa Bubble Gang, pero hopefully po makabalik.
 
Christine Grace Nunez: Magkakasundo ba sina Cheska at Josephine?
Joyce: Ayaw ko nga sabihin, baka di mo panoorin. Pero ‘yun, abangan mo kung magkakasundo sila kasi masama ang ugali ni Cheska pero malay mo naman bumait siya.
 
Kat-kat Coles: Ngayong sikat ka na at sunod-sunod na ang projects mo, may mahihiling pa ba ang isang Joyce Ching?
Joyce: Wow sikat talaga? Ako happy naman ako sa kung ano meron ako ngayon. Happy ako sa nangyayari sa career ako, happy ako sa nangyayari sa personal life ko so wala naman masyado. Kuntento naman ako sa kung ano’ng binibigay sakin.
 
Shane Millo: Anong role ang pinakagusto mong i-portray soon -- sirena, superhero, o baliw? Bakit?
Joyce: Well medyo gusto ko ring maging sirena pero hindi ba pwedeng baliw na sirena na lang, for a change? Pero siguro mas ok sa akin ‘yung baliw kasi hindi rin ako masydong fan ng fantasy… Siguro baliw kasi feel ko challenging siya… challenge rin kasi syempre kailangan mong mag-observe talaga ng totoo na baliw para maging realistic ‘yung ginagawa mo
 
Aiko Aco: Kung bibigyan ka ng panibagong project ng GMA, sino ang gusto mong maging leading man?
Joyce: Alden Richards
 
Paul Matthew B. Somera: Magaling ka bang sumaway o kumanta?
Joyce: Okay naman. Feeling ko okay naman ako sumayaw at kumanta. Well, siguro hindi ako ‘yung tipo ng tao na pwedeng dancer na dancer talaga or singer na singer talaga pero para sa mga average na tao lang na hindi pang-dancer at pang-singer, magaling naman yata ako.
 
Kath Zapanta: Pure Filipina ka ba?
Joyce: Meron po akong lahing Chinese. Siguro mga 35 percent.

 
Kung nabitin kayo sa bonding with this Kapuso sweetheart, abangan ang part three ng kanyang webisode, coming soon sa GMANetwork.com at panoorin ang finale ng Paraiso Ko’y Ikaw, bukas sa GMA Afternoon Prime.