Showbiz News

Kelvin Miranda, mapapanood sa mystery film na 'Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan'

By EJ Chua

Sa darating na May 18, mapapanood na ang pelikulang hango sa best-selling mystery novel ni Bob Ong na pinamagatang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Bukod sa Unbreak My Heart actor na si Joshua Garcia, mapapanood din sa naturang palabas ang Sparkle star at award-winning actor na si Kelvin Miranda.

Gaganap siya rito bilang matalinong kaklase at matalik na kaibigan ng karakter ni Joshua na si Galo.

Ang pelikula ni Direk Chito Roño na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ay mapapanood sa video streaming application na Prime Video.

Sa screening at press conference na idinaos para sa nasabing palabas, natunghayan na ang mga eksena nina Kelvin at Joshua.

Kaabang-abang ang kakaibang role ng Kapuso actor sa pelikulang ito.

Kabilang din sa cast nito ang seasoned actress na si Melissa Mendez at ang veteran actor na si Ricky Davao.

Samantala, bukod sa nasabing palabas ay mapapanood din si Kelvin sa upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

SILIPIN ANG HANDSOME AT STYLISH LOOKS NI KELVIN MIRANDA SA GALLERY SA IBABA: