Showbiz News

Mapapanood na ang 'Catwoman', 'Yogi Bear' at 'Clash of the Titans' sa GMA!

Eat Bulaga, magpapakitang gilas naman si Catwoman sa GMA Blockbusters.

Malalaman na natin ang kanyang pinanggalingan at papamanghain niya tayo sa kanyang katauhan na hindi natin nakita noon. Kakaibang Catwoman ang ating mapapanood sa Sabado!

Aaliwin naman tayo ni Yogi sa Yogi Bear na mapapanood right after Born to Be Wild. Pagkatapos nating malaman ang kahalagahan ng kalikasan, papatunayan lalo ni Yogi kung bakit siya "smarter than the average bear." Panoorin ang kanyang kakulitan kasama si Boo Boo.

Punuin ng fantasy adventure ang inyong Linggo sa Clash of the Titans sa SNBO at 10:30 p.m. 

Saksihan kung paano kakalabanin nina Perseus at ng iba pang gods si Medusa. May kakayahan si Medusa na gawing bato ang sinumang titingin sa kanyang mga mata. Paano nila matatalo ang isang makapangyarihang nilalang?

Kumpletuhin ang inyong weekend sa panonood ng Catwoman, Yogi Bear at Clash of the Titans kasama ang inyong pamilya, kaibigan at mahal sa buhay! Dito lamang iyan sa GMA!

Para sa latest movies tuwing weekends, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.