Showbiz News

Vilmark, alay sa namayapang ama ang latest single na 'Lisan'

By Kristian Eric Javier

Handog ng The Clash Season 4 finalist na si Vilmark ang latest single niya na "Lisan" ng GMA Music para sa kanyang ama na kailan lang ay pumanaw na. Ayon sa Kapuso singer, personal raw ang kwento ng kanta sa kanya.


Sa interview ni Vilmark sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, ibinahagi niya ang kwento at inspirasyon ng kanta na alay niya sa kanyang ama.

“There was an event during Christmas kung saan nawala 'yung tatay ko. I wrote this song during the first night of my father's wake so can you just imagine kung gaano po kadaming emotions 'yung nandito sa kantang 'to,” sabi niya.


Dagdag nito, “Kaya excited ako na mapakinig lahat sa ating mga Kapuso.”

Nakaranas ng aneurism ang tatay ni Vilmark habang nagbabakasyon sa Tagaytay noong Disyembre, at binawian ng buhay dalawang araw matapos ang Pasko. Ito ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng bago niyang kanta.

Ibinahagi rin ni Vilmark ang mensahe na gustong iparating ng kanyang bagong awitin.

“Very personal itong kwento sa'kin so initially, 'yung thought ko bout this song is about loss and grief,” sabi niya.

Pagpapatuloy nito, “Pero of course, our Kapuso na makikinig dito will surely, makaka-relate din sa mga naiwanan, sa mga taong nawala sa buhay natin, and I just want this song to be a song of hope to everyone in this fight.”

Nag-iwan din ng mensahe ang Kapuso singer sa mga makikinig ng kanyang bagong awitin, “Sa lahat ng mga nangyari sa buhay natin, there's a reason why it's happening or why it happened pero sana magkaroon tayo ng hope in our hearts and in our life na everything na nangyari is my purpose and makakabangon at makakabangon rin tayo.”

At dahil ama niya ang inspirasyon sa kantang "Lisan", tinanong din si Vilmark kung ano ang pinaka naaalala niya tungkol dito.

“'Yung bonding time namin talaga, iba, kasi before, sa abroad siya nagwo-work, tapos umuwi na siya dito. Tapos naging full time na siya na kasama namin sa bahay,” sagot ni Vilmark.

“Siya 'yung lagi kong kasama sa mga events, sa mga recordings, sa mga guestings and tapings so 'yun talaga 'yung nami-miss ko kay pa kasi hindi siya nagrereklamo or never ko pa siya nakitaan na nagreklamo na napapagod siya sa pagda-drive sa 'kin,” pagpapatuloy nito.

Dagdag pa ng Kapuso singer, “'Yun 'yung nami-miss ko kay pa kasi 'yun din talaga 'yung bonding time namin.”

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA'T IBANG KAPUSO SINGERS NA DUMALO SA GMA THANKSGIVING GALA 2022: