GMA Logo kapuso mo jessica soho
What's Hot

Dating kahera, naging milyonarya sa pagiging freelancer

By Kristian Eric Javier
Published May 29, 2023 7:35 PM PHT
Updated May 30, 2023 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Para kay Princess Garcia, importante ang gumawa ng paraan para malagpasan ang paghihirap ng isang tao.

Hindi man naging madali kay Princess Garcia ang naging trabaho niya noon bilang kahera, malaking reward naman ang nakuha niya sa pagtitiyaga. Ngayon ay kumikita na siya ng PhP1million kada buwan bilang isang freelancer.

Sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, na ipinalabas nitong Linggo, May 28, ikinuwento ni Princess, isang graduate ng BS Biology, na hindi naging madali ang paghahanap niya ng trabaho nang mapunta siya ng Manila, galing Butuan City.

"Mga three months siguro yun mag apply apply ng trabaho, hindi rin pala ganun kadali, parang ang hirap mag adjust,” kuwento nito.

Dagdag pa nito, ang asawa niyang si Gabrielle Garcia ay nagsisimula pa lang din noon sa isang car dealership, habang siya naman ay nag simulang magtrabaho bilang isang kahera sa isang book store at kumikita lang ng PhP350 per day.

“Sa pagiging cashier, mahirap 'yung nakatayo kami ng mahigit seven hours sa isang araw kasi wala din kaming upuan. Meron ding mga irate customers, mga masusungit, maiinit ang ulo, at mga hindi makapaghintay sa pila kaya kailangan, patient ka talaga,” sabi nito.

Dagdag pa ni Princess, “Fifty percent nung sahod ko is napunta agad sa transportation. The rest is baon ko po. Hindi kayang makapag-ipon. Pag may kulang or hindi balanse, ako po 'yung nag-aabono. Nagbalik po ako ng PhP100 pesos, 'yung maliit kong sahod, nabawasan pa.”

Nang tanungin kung ano ang naramdaman niya sa naging trabaho, ang sabi ni Princess, “Nafu-frustrate."

Patuloy niya, "Kasi, lagi kong nasa isip na college graduate naman ako, maganda naman 'yung pinanggalingan kong school, pero dahil gusto ko napapalibutan at nakakapagbasa ng mga libro, nawawala din 'yung lungkot,” sabi nito.

Kinalunan ay umalis din sa pagiging kahera si Princess at pumasok bilang English tutor sa mga Korean students at isang quality assurance analyst, bago tuluyang nakapasok bilang isang freelancer sa isang online business.

“Ginagawa ko po as a freelancer, is tinutulungan po namin 'yung mga e-commerce business na mapalago pa 'yung business nila online,” sabi nito.

Kinuwento ni Princess na ang ginagawa niya raw bilang freelancer ay gumawa ng marketing strategies, product shoots, advertisements, at pagma-manage ang social media accounts nito.

“Bumabiyahe kami ng mga 30 mins to one hour sa city proper para magtrabaho sa coffee shops na may free wifi kasi mahina 'yung internet namin sa bahay,” kwento nito.

Kung dati ay PhP350 pesos a day ang kita ni Princess, ngayon ay kumikita na siya ng halos PhP1 million kada buwan, at nakapagpakasal na sila ni Gab. Nakapagpundar na rin sila ng lupa at dalawang condo units, na gagawin daw nilang investments; at nakabili na rin sa wakas ng sarili nilang kotse.

Proud naman si Gab sa tinatamasa nila ngayong tagumpay ng asawang si Princess, samantalang nagpapasalamat naman ito sa “hundred percent support” ng asawa.

Sa huli ay nag iwan si Princess ng mensahe sa lahat ng mga nagsa-struggle ngayon, “Sa mga nagsa-struggle ngayon, lahat ng pinagdadaanan niyo ngayon is part siya ng journey niyo. Huwag ka mag-stay doon sa mga struggles na 'yun.”

Diin pa niya sa huli, “Ang mahalaga dun is mayroon kang action na ginagawa para makaalis 'dun sa mga struggles na 'yun."

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG ILANG MGA ARTISTA NA MAY SARILING MGA NEGOSYO: