Showbiz News

Shaira Diaz, naiyak sa Grad Pic Awrahan 101 segment ng 'Unang Hirit'

By Kristian Eric Javier

Isa sa mga pinakamahalagang milestone sa buhay ng isang estudyante ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman hindi napigilan ng Kapuso sweetheart and student na si Shaira Diaz na maiyak sa segment ng Unang Hirit na 'Grad Pic Awrahan 101.'

Pinost ni Shaira ang ilang pictures at video niya ng naturang segment sa kanyang Instagram account. Ilan dito ay litrato niya na naka-toga at may hawak na card kung saan may nakasulat na “Finally Grad-waiting.”

Sa caption, inamin ng dalaga na naging emotional siya “on & off air this morning” sa segment nila.

“Ganito pala ang feeling ng gagraduate lalo na pag madaming pinagdaanan PERO hindi pa ako this year haha kaya natatawa sila bakit ako umiiyak,” pahayag ni Shaira sa caption.

Dagdag pa nito, “I'm manifesting…I'm #gradwaiting next year.”

Tsaka binati ni Shaira ang mga graduating classes ngayong 2023.

Sa video na pinost ni Shaira, maririnig na inaasar siya ng kanyang Unang Hirit co-hosts ng “iiyak na 'yan, iiyak na 'yan,” na naging dahilan din kung bakit tumulo ang mga luha ng aktres.

Nang tanungin siya ni Arnold Clavio kung bakit siya naiiyak, ang sagot ni Shaira ay “hindi ko alam. Ganito pala 'yung feeling.”

Samantala, ang co-host din niya sa morning show na si Suzi Entrata-Abrera ay nagbigay ng virtual hugs at isang mensahe para sa aktres.

“Awwwww hugs dear Shai!!! Push lang, amazing ang mga working students like you!” sabi nito sa comments.

Ilang netizens din ang nagbigay ng suporta kay Shaira at nagbigay na ng paunang congratulations sa Sparkle star.

Noong 2019, ibinalita ni Shaira ang pagbabalik eskwela niya sa isang Instagram post kung saan nag-post siya ng larawan niyang naka-uniform.

“Back to school! Hi classmates!” bati niya sa caption.

Kasalakuyang kumukuha ng kursong marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City ang Sparkle star.

SAMANTALA, NARITO NAMAN ANG ILANG MGA CELEBRITIES NA NAG-ARAL ABROAD: