
Ipinamalas ng Kapuso stars at showbiz couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang resulta ng stunt training na magkasama nilang pinagsanayan.
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
Nag-train sina Ruru at Bianca sa ilalim ng stunt coordinator at fight director na si Erwin Tagle at ang kanyang grupo na Tag Team Stunts Philippines.
Sa isang highly stylized video na ibinahagi nina Ruru at Bianca sa kanikanilang Instagram accounts, makikita ang resulta ng magandang fight choreography pati na ang mahusay na paggamit nila ng prop weapons.
May individual stunt videos din ang dalawa. Mapapanood sa video ni Ruru ang pagsabak niya sa hand to hand combat at ang paggamit niya ng baril at bolo.
Staff at arnis sticks naman ang gamit ni Bianca Umali sa kanyang fight choreography video.
Si Erwin Tagle at ang Tag Team Stunts Philippines rin ang nasa likod ng stunts at fight scenes ng mga Kapuso shows tulad ng Voltes V: Legacy at Agimat ng Agila.
Nagsanay rin sa ilalim nila ang ilang pang celebrities tulad nina Nadine Lustre, Jane de Leon, Julia Montes, at Liza Soberano.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI DITO: