Showbiz News

Jillian Ward, excited na para sa unang pagbibidahang pelikula na kukuhanan sa ibang bansa

By Aimee Anoc

Naghahanda na si Jillian Ward para sa unang pelikulang pagbibidahan na isu-shoot sa ibang bansa.

Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso Afternoon Prime Princess ang excitement para sa una niyang pelikula. Kuwento ni Jillian, dati lamang siyang sidekick sa mga pelikulang kanyang ginagawa.

"Na-e-excite po ako, syempre kasi first movie ko po siya bilang dalaga na, hindi na po ako baby. Last movie ko po baby pa po ako. Tapos out of the country pa po," pagbabahagi ng aktres.

Dagdag ni Jillian, "Pero sa totoo lang po kinakabahan po ako kasi syempre po bagong experience po siya dahil nga ang tagal ko na pong hindi nagmu-movie."

Ayon kay Jillian, isa ring dating child star ang magiging leading man niya sa kanyang unang starring film. Talaga namang kaabang-abang ang pelikulang ito ng aktres dahil, aniya, hindi niya pa ito nagagawa.

"Abangan po nila 'yan dahil iyan din po ang hindi ko po nagagawa, ang films na may love story po talaga. Abangan po nila kung 'yun po ba iyon or baka mamaya horror, hindi natin alam," sabi ni Jillian.

Samantala, patuloy na nagpapasalamat ang aktres sa mainit na suporta ng manonood sa Abot-Kamay Na Pangarap, na aniya, dahil na rin sa pinaghihirapang script ng production team na punong-puno ng mga kakaiba at nakakagulat na twists sa kuwento.

"Actually po, kahit kami po sa cast lagi po kaming nagugulat kada may bagong script. Like, nagugulat po kami sa story and papunta pa lang po tayo sa exciting part."

Subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: