Sinu-sino ang mga artistang humarap sa aksidente ngayong taon?
Noong March, ibinahagi ni Claudine na siya ay naaksidente at dinala sa ospital. Aniya, siya ay nahilo kaya siya nahulog sa hagdan. "Hay naku back to the ER.had an accident. I slipped & fell down the stairs. super low blood my Palanggas i fainted & fell."
March din nang mangyari ang isang boat accident na kinasangkutan nina Ehra Madrigal at Bianca Manalo. Ang speedboat ay may sakay na sampung pasahero papuntang Mararison Culasi, Antique, nang tumaob ito dulot ng malakas na alon.
May naman nang mapabalita ang vehicular accident na kinasangkutan ni Jessy Mendiola. Ani Jessy, nakatulog ang kaniyang driver habang nagmamaneho.
Nasangkot sa stabbing incident ang basketball players na sina Jeron Teng, Norbert Torres, at Thomas Torres. Nitong June ay ibinalitang nasangkot sa away ang tatlo na nauwi sa pisikalan.
Sa isang minor accident nauwi ang joy ride ng dating magkarelasyon na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban noong June.
July naman nang masangkot nang mabangga ng isang bus ang sasakyan ni Kim Chiu.
Isang car accident din ang kinasangkutan ni Donita Nose noong August. Ayon sa Kapuso comedian, nagpapasalamat pa rin siya na nailigtas siya. Kuwento niya, "Stress... sa tagal tagal ko na nag-drive ngayon lang ako nakaranas ng wrecker.. Salamat sa Diyos sa gutter lang kami sumampa at 'di na tumama sa posteng malaki."
Nitong August ay aksidenteng nakabangga si Daniel Matsunaga ng isang motorsiklo. Nangako naman ang aktor at model na magbibigay ng tulong sa biktima. "I will take care of all his needs caused by this inconvenience. Personally, I am still shaken by the incident because of the thought of hurting someone and bringing this upon any family."
September nang masangkot sa isang car accident si Klea Pineda. Ayon sa report, pauwi na si Klea nang mabangga siya ang isang kapuwa driver na diumano ay nanigaw pa. Napabalita ring walang lisensya ang kaniyang nakabanggaan.
Naaksidente si Angie Mead King sa ginanap na Finali Mondiali, isang car race ng luxury car brand na Ferrari na ginanap sa Monza, Italy, noong September. Ayon sa car enthusiast at businesswoman, "3 DNFs [did not finish] and possibly the shortest race in my race career. I am sore and depressed with how my Finali Mondiali turned out to be a derby instead of a race. Thank you to @scuderia.corsa for everything! The team was amazing to keep me on track every time. Shit Happens and I am glad I was able to walk away from this accident."
Isang aksidente sa motorsiklo ang kinaharap ng singer na si Markus Paterson nitong October. Ayon sa kanyang post, naaksidente siya sa sinasakyan na motorsiklo habang tinatahak ang Roxas boulevard service road.
Nabangga ang brand new car na iniregalo ni Yasmien Kurdi sa kaniyang asawa noong September. Ayon sa kanyang post, papunta siya sa taping 'Cain at Abel' at hiniram niya ang kotse ng kaniyang asawa nang mauwi siya sa isang aksidente.