GMA Logo Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega
Source: migueltanfelix_/IG
What's Hot

Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, 'not in a rush' pumasok sa isang relationship

By Kristian Eric Javier
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated June 6, 2023 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega


Sa ngayon, masaya sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix sa status nila at ine-enjoy ang company ng isa't isa.

Sinabi ng Sparkle star at Voltes V: Legacy actress na si Ysabel Ortega na “not in a rush” daw sila ni Miguel Tanfelix na pumasok sa isang relasyon. Matatandaan na umamin kamakailan ang aktor na nililigawan niya ang aktres.

Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, nilinaw ni Ysabel na may pag-asa si Miguel sa panliligaw nito.

“I mean kita naman e, kita naman sa actions namin na we're getting along with each other, talagang ine-enjoy namin 'yung company namin, so siyempre andun pa rin kami dun sa stage na getting to know,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres, “Basta ine-enjoy lang. Sabi nga kanina ni Miguel, 'live in the moment' so we're not in a rush naman to jump into things. Basta kami, nage-enjoy lang kami. Importante is masaya lang kami.”

Nang tanunging si Miguel kung willing ba ito maghintay, ang sagot niya ay, “Willing to wait, ma'am, sir.”

Nauna nang inamin ni Miguel sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Pebrero na nililigawan niya ang kaniyang co-star. Pero bukod kay Ysabel, “nililigawan din niya ang ina nito na si Michelle, na dati ring artista.

“Kailangan po kasi nating sundin 'yung nanay ni Ysabel. Medyo strict po si tita, and respeto po sa desisyon niya para sa anak niya dahil kahit paano, kailangan n'yo rin pong ligawan ang magulang ng nililigawan mo,” sabi ng aktor.

Bukod dito, inamin din ng aktor na nag "I love you" na siya sa aktres nang mag-guest sila sa vlog ni Bea Alonzo at sumailalim sa lie detector test.

Dito, tinanong din ni Bea kung sa tingin ba ni Miguel ay malapit na silang maging “Instagram official” ni Ysabel. At ang sagot ng binata, “yes.”

SAMANTALA, TIGNAN ANG KILIG MOMENTS NILA MIGUEL AT YSABEL SA ISANG FAN MEET: