GMA Logo dingdong dantes
Photo by: dongdantes (IG)
What's Hot

Dingdong Dantes, kinakaya ang kabi-kabilang proyekto para sa pamilya at manonood

By Aimee Anoc
Published June 7, 2023 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH: 2 dead, over 260 hurt in motorcycle crashes amid Christmas 2025 rush
PDLs reunite with families on Christmas Day
Kavi On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes


Dingdong Dantes: "I consider it a blessing to be able to reach your homes everyday."

Isang blessing para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na makapagpasaya at makapagbigay inspirasyon sa marami sa kanyang mga ginagawang proyekto.

Kuwento ng aktor, mahal niya at nae-enjoy niya ang trabaho bilang isang aktor at host. Kaya naman kahit kabi-kabila ang proyekto at gaano man ito kahirap ay pinagbubutihan niya dahil ginagawa niya ito para sa kanyang pamilya at manonood.

"Alam mo, kasi dapat 'yung motivation mo kakaiba. Ako, 'yung motivation ko talagang ginagawa ko ang lahat ng ito para sa pamilya, para sa mga anak ko, sa asawa ko.

"So, kahit gaano pa kahirap 'yan, although kasi I enjoy what I do, of course, you always have to love what you do. Katulad ng trabaho ko rito sa [television], ako, I love it. I consider it a blessing to be able to reach your homes everyday so kaya para sa akin gusto ko pagbutihin talaga parati at araw-araw. Hindi lang para sa inyong mga manonood, kung hindi para sa pamilya ko," sabi ng aktor.

Photo by: dongdantes (IG)

Kasalukuyang napapanood si Dingdong bilang host sa game show na Family Feud at magiging host din ito ng upcoming show na The Voice Generations.

Bukod sa pagiging host, abala rin ngayon ang aktor sa pagbibidahang bagong serye sa GMA, ang Royal Blood, na mapapanood na ngayong June 19 sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: