Showbiz News

Max Collins, magiging kontrabida ni Marian Rivera sa inaabangang Kapuso series

By Dianne Mariano

Opisyal nang magbabalik-primetime ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Bibida si Marian at Gabby Concepcion, kasama ang Kapuso actress na si Max Collins, sa isang bagong serye, na siguradong mamahalin ng mga manonood.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Max, masaya at puno ng pasasalamat ang aktres nang malamang magiging bahagi siya ng bagong serye.

“I'm thankful to be working. It's been a while since my last [drama] show, To Have and To Hold. Ang saya ko lang na makakapag-teleserye ulit ako,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa Kapuso actress, honored siya na makakatrabaho sa proyektong ito sina Marian, Gabby Concepcion, at iba pang aktor na kabilang sa serye.

Kuwento pa ni Max, kakaiba ang role na gagampanan niya sa serye dahil ito ang unang pagkakataon na gaganap siyang kontrabida.

Aniya, “Iba ito from anything I've done before because this is going to be my first time playing a kontrabida sa teleserye and it's something I'm looking forward to because challenging siya for me and, at the same time fun, because it's nice to not cry all the time. So it's going to be a little lighter for me, I think, on that aspect.”

Ibinahagi rin ni Max kung ano ang dapat na abangan ng mga manonood sa kanyang karakter sa serye. “A bagong Max, the villainous side of me. I guess 'yun 'yung dapat nilang abangan,” sagot niya.

Bukod kina Marian at Gabby, makakasama rin ni Max sa proyektong ito sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Buboy Villar, Tart Carlos, Caitlyn Stave, at Josh Ford.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Max sa action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE PARA SA PAGBABALIK PRIMETIME NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO: