
Pinuri ng acting coach na si Ana Feleo ang content creator na si Zeinab Harake dahil sa pagiging mapagkumbaba at marespeto niya.
Sumailalim kamakailan si Zeinab sa acting workshop na pinamunuan ni Ana, ang Voltes V: Legacy star na si Nico Antonio.
Ayon kay Ana, “culture-shocked” si Zeinab mula sa pagiging content creator papuntang acting.
“Nawindang sya. But what I admire about her work in our sessions, is her humility and respect for what hard work needs to be put in, in order to be an authentic and honest Actor,” caption ni Ana sa kanyang Instagram post.
Kasabay nito ay nagpost din si Ana ng maikling video ng eksena nina Zeinab at Nico, kung saan kailangan maramdaman ng una ang maging isang biktima, na sabi ni Ana, “to experience extreme helplessness.”
Sa comments section, nagpasalamat si Zeinab kay Ana, "aw thankyou po mamiiii super galing mo naman tlaga mag turo happy ako na natuwa kayo sakin."
Una nang sinorpresa ni Zeinab ang kanyang fans at subscribers ng ibahagi niya sa Facebook noong May na nagsimula na siya sa acting workshop.
Sabi niya noon sa kanyang post, “First acting workshop done [heart emoji]. Thank you so much Ms. Ana Feleo. Excited po sa next session natin. Ang dami ko pong natutunan today.”
SAMANTALA, TINGNAN SI ZEINAB AT ANG SWEET MOMENT NILA NI BOBBY RAY PARKS JR. DITO: