
Kapansin-pansin na labis na nag-e-enjoy si Matteo Guidicelli sa pagkakabilang niya sa early morning program ng GMA na Unang Hirit.
Kamakailan lang, binalikan niya ang nagdaang Albay trip at coverage nila ni Susan Enriquez.
Nito lamang June 20, 2023, nagtungo sina Matteo at Susan sa Daraga, Albay upang bisitahin ang evacuation center na pansamantalang tinutuluyan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Sa unang post ni Matteo, mababasa sa kaniyang caption na proud siyang mapabilang sa Unang Hirit team na nag-live broadcast sa Albay.
Sulat niya sa caption, “Proudly standing shoulder to shoulder with the @unanghirit team, broadcasting live from Albay. Our objective? Steadfast and clear - to bring support to our kababayans that had to be relocated due to the level 3 warning from Mayon Volcano.”
Binanggit din niya ang mga naging katuwang nila sa pamamahagi ng relief packages para sa mga naninirahan doon.
Sabi niya, “GMA Kapuso Foundation @gmakapusofoundation and Landers Superstore @landersph, prepared relief packages for 700 individuals. The presence of the Philippine Army's 9th Infantry Division and 5th RCDG ensured order and organization. As dawn broke, Mayon presented us with a sight to behold - a spectacle.”
Tinapos naman niya ang kaniyang caption ng may ilang paalala, “Let's stay safe, stay strong, and keep faith that the volcano will stabilize. Proud to be part of this mission.”
Sa hiwalay na post, ibinahagi ni Matteo na looking forward siya sa napakaraming bagay na may kaugnayan sa kaniyang trabaho ngayon.
Mababasa sa kaniyang caption, “First trip with tita @susanenriquez, looking forward to more explorations and helping out our kababayans! @unanghirit @gmanetwork.”
Matatandaang opisyal na naging Kapuso si Matteo matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network noong May 11, 2023.
SILIPIN ANG ILANG NAGING KAGANAPAN SA CONTRACT SIGNING CEREMONY NI MATTEO GUIDICELLI AT ILANG GMA EXECUTIVES SA GALLERY SA IBABA: