Showbiz News

Jaclyn Jose, iniiwasang makasindak ng young actors

By Nherz Almo

Sa halip na takot, gusto ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na maging kumportable ang mga nakababatang aktres, lalo na ang mga baguhan, sa tuwing nakakaeksena siya.

“Alam ko na maraming mga bata, yung mga nag-i-start talaga, I make sure na hindi ko sila mai-intimidate,” pahayag ni Jaclyn sa ginanap na press conference ng kinabibilangan niyang digital series na Deadly Love kamakailan.

Ayon kay Jaclyn, hindi nakatutulong ang pang-i-intimidate para maging maayos ang trabaho sa set.

“Kailangan natin magtulungan kung hindi, hindi tayo matatapos. What's the point of intimidating your co-actor just for the sake of it. Ang sa akin, kailangang mapalapit ang loob nila sa akin para magkaroon ng chemistry, para makapagtrabaho nang mabuti, nang mahusay.”

Diin pa ng kauna-unahang Pinoy ang nanalo ng Best Actress award sa Cannes Film Festival, “Hindi ako yung tipo ng artista o beterana na naninindak, yung pagdating palang sa set, e, hindi mo na malalapitan. Ako pa yung lumalapit kasi walang mangyayari sa shooting kapag may ilangan. I make sure na yung mga bago, palagi kong pinaparamdam sa kanila na pare-pareho lang tayo.

“Talagang hindi ako nang-i-intimidate ng co-actor, that's a no-no for me kasi gusto ko may chemistry, may rapport, may tulungan. It's not gonna happen kung mang-i-intimidate ako, never.”

Samantala, nakatanggap naman ng papuri si Jaclyn mula sa kanyang nakababatang co-actors na sina Marco Gumabao, Louise delos Reyes, at McCoy de Leon.

Para kay Marco, hindi maiiwasan na ma-intimidate sa mga beteranong aktor tulad ni Jaclyn. Pero sa halip na isipin ito, aniya, “It's also good for an actor kasi it keeps you grounded. It makes you to be always alert, always perform. For example, por que di siya kilalang artista, mag-underperform ka na; or dahil sikat na artista or veteran actor or actress, you'd give your best.”

Dagdag pa niya, “For me, of course, there's an intimidating factor, pero nangingibabaw yung excitement also to work with her.”

Para naman kay Louise, na minsan nang nakatrabaho ni Jaclyn sa GMA teledramang Mundo Mo'y Akin, “After all these years, medyo natatakot pa rin ako kay Tita Jane.”

Gayunman, aniya, “Pero kasi, siya yung may motherly love. Parang dumating na kami sa point na kapag nagko-comment siya sa mga scenes na ginagawa namin together, ano na siya, may lambing, may wisdom. Sa iba, kung mahina ang loob mo, iiyak ka talaga kasi may pagkapranka si Tita Jane.

“Pero respect yun sa trabaho, yun nga, kung ginagawa mo yung assignment mo as an artist, meron ka nang bala na kahit kaeksena ko si Tita Jane, alam ko kung ano yung ibabato niya sa akin or masasalo ko yung ibibigay niya sa akin. Yun kasi ang importante, ang mag-build kayo ng rapport kay Tita Jane. Si Tita Jane, iba yung atake niya, kunwari, every cut ni Direk, may bago siyang ibibigay sa 'yo. Yun ang pinaka-exciting kapag siya ang kaeksena mo.”

Para naman kay McCoy, isang katuparan ng kanyang pangarap bilang aktor ang makatrabaho si Jaclyn.

Aniya, “Kasi sa career ko, mayroon akong tina-target na mga artista na gusto ko talagang maka-work. Gusto ko talaga silang makasama sa eksena, ano ang pakiramdam at kung ano ang matututunan ko sa kanila.”

Dagdag pa niya tungkol sa isang eksena nilang dalawa, “Parang feeling ko kailangan confident ako, na walang ilang. Medyo parang challenge sa akin, pero kaya ko 'to kasi gusto ko 'to. Pangarap ko 'to maka-work, ganun yung feeling, ninanamnam ko yung bawat oras na magkakasama kami.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA KARAKTER NA GINAMPANAN NI JACLYN JOSE RITO: