advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Kapuso shows na ipinalabas sa ibang bansa

1 of 12

Marian Rivera

Isa sa mga gumawa ng ingay abroad ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sa katunayan may fan base si Marian sa bansang Cambodia, kaya naman nang bumisita si Camboadian Prime Minister Hun Sen sa 31st ASEAN Summit sa bansa noong 2017, isa sa mga gusto niyang makilala ang Kapuso Primetime Queen. Ilan sa mga soaps na pinagbidahan ni Marian na ipinalabas sa Cambodia ang 'MariMar,' 'Dysebel,' at 'Carmela,' kung saan naging leading man niya si Alden Richards. Ayon naman sa ulat ng Showbiz Central noong April 2012, pinagkagulahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang magbakasyon sila ng Holy Week sa Siem Reap, Cambodia, dahil nakilala sila ng locals doon.

2 of 12

Temptation of Wife 

Napanood ng Vietnamese fans ni Marian ang Pinoy adaptation ng sikat na South Korean drama na 'Temptation of Wife.' Matatandaan na dalawang beses nang nagpunta sa Vietnam ang Kapuso actress, noong 2013 at 2014. Noong 2014, inuwi pa ng Kapuso primetime star ang award na Best Foreign Artist of the Year, sa Face of the Year 2014 Awards ng Today TV.

3 of 12

Dysebel

Pumatok hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa ang pagganap ni Marian Rivera sa hit telefantasya series na 'Dysebel.' Ipinalabas ito sa ilang bansa sa ASEAN tulad na lang sa Cambodia, Vietnam, Singapore, at Malaysia.

advertisement
4 of 12

Carmela

Sa tulong ng JKN Global Media, ipinalabas ang 'Carmela' sa Thailand. Personal pa itong prinomote ni Pambansang Bae Alden Richards noong 2017.

5 of 12

My Husband's Lover

Nakasama din sa pagpro-promote ni Alden sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo sa Thailand, dahil mapapanood din doon ang kanilang primetime series na 'My Husband's Lover' na kanilang ginawa noong 2013.

6 of 12

Sa Piling ni Nanay

Na-meet naman ng 'StarStruck' first princess na si Yasmien Kurdi ang fans niya sa Malaysia nang magpunta siya rito noong September 2018. Sumikat si Yasmien sa bansa dahil ipinalabas ang kaniyang teleseryeng 'Sa Piling Ni Nanay' sa TV3 na may alternate title na 'Ysabel.'

advertisement
7 of 12

Ika-6 Na Utos

Kinagigiliwan din ng mga manonood sa Ecuador ang tapatan nila Emma [Sunshine Dizon] at Georgia [Ryza Cenon] sa 'Ika-6 Na Utos,' na may pamagat doon na na 'Dulce Veganza.'

8 of 12

Impostora

Pinapalabas din sa Ecuador ang high-rating afternoon soap ni Kris Bernal na 'Impostora.' Gumanap si Kris bilang sina Nimfa at Rossette, kung saan nakatambal niya si Rafael Rosell.

9 of 12

Second Chances

Napanood din sa bansang Ecuador ang soap ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na 'Una Nueva Oportunidad.' Ipinalabas din ito sa Peru sa tulong ng Panamericana Television.

advertisement
10 of 12

Someone To Watch Over Me

Napabilib din sa akting nila Lovi Poe at Tom Rodriguez sa 'Someone To Watch Over Me' ang viewers sa Ecuador (No Me Olvides), Peru, at Uruguay.

11 of 12

Legally Blind

Natunghayan din ng Ecuadorian viewers ang husay sa pag-arte ng Kapuso drama royalty na si Janine Gutierrez sa 'Legalmente Ciega.'

13 of 12

Hanggang Makita Kitang Muli

Napanood sa Africa ang afternoon dramang pinagbidahan nina Bea Binene at Derrick Monasterio, ang 'Hanggang Makita Kitang Muli,' sa pamamagitan ng MyTV Africa. May alternate title ito na 'Until We Meet Again.'

advertisement