Showbiz News

Bela Padilla, sa 'unexpected encounter' nila ni Song Joong-ki: 'Mabait siyang kausap'

By Nherz Almo

Hindi raw inaasahan ni Bela Padilla na makikita niya ang sikat na South Korean actor na si Song Joong-ki sa Cannes, France noong May 2023.

“That was so random!” sabi ni Bela nang tanungin siya tungkol dito sa launch ng bago niyang ineendorsong Dear Face Beauty Milk noong nakaraang linggo.

Pag-alala niya, “He's literally just walking past us. Ang labo ng mata ko, wala akong salamin, galing akong beach. As in yung picture ko, bagong ahon sa dagat, nag-swimming ako, naka-swimsuit ako sa loob. Direk Adolf [Alix, Jr.] just pointed at him, 'Di ba, fan ka ng Descendants of the Sun?' Pagtingin ko, nandyan na siya naglalakad. He's so chill like he doesn't have a whole team with him. He was also really there as a filmmaker.”

Ayon kay Bela, hindi niya pinakilala ang sarili bilang isang artista sa Pilipinas. Sa halip, nagpakilala siya kay Joong-ki bilang isang kapwa filmmaker.

“I approached lang. Sabi ko, 'Hi, I'm also a filmmaker. Is it okay if I take a photo?” pagbabahagi ni Bela.

Hindi rin niya naiwasan ang mag-fan mode at sinabi kay Joong-ki, “I love you in Vincenzo.' Haha! Kasi yun ang last na napanood ko, and my boyfriend actually watched Vincenzo also kasi yung first scenes nasa Italy. 'Tapos, nakipagkuwentuhan siya. Mabait siyang kausap.”

Bukod sa chance encounter nila ni Joong-ki, labis din ang tuwa ni Bela sa buong karanasana niya sa nakaraang 76th Cannes Film Festival.

“Lovely,” ang salitang ginamit niya para ilarawan ang kanyang Cannes experience.

“I went as a producer this time. I was there to learn as a filmmaker, because I feel like in that aspect, I'm still relatively new. My film company in UK co-produced my last movie, yung Libro, so I wanted to get better at it obviously.

Ang tinutukoy na pelikula ni Bela ay ang 2023 Summer Metro Manila Film Festival na Yung Libro sa Napanood Ko, kung saan siya ang lead actress, director, at co-producer ng Viva Films.

Naniniwala si Bela sa kasabihang “never stop learning” kaya naman hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang pinag-aaralan ang pagpo-produce ng pelikula.

Katuwiran niya, “I feel like while you're still young, why not? You should continuously educate yourself. I hope that's something people take away from me one day if they talk about my experience or if they have something to say about me, na she keep on learning. I hope people get to inspire with that.”

Nang tanungin kung plano rin niyang gumawa ng proyekto para isali sa prestihiyosong Cannes Film Festival, sagot ng aktres, “My God, that would be the dream!”

Sa ngayon, may inihahanda siyang proyekto kasama ang award-winning director na si Adolf Alix, Jr.

“We're developing a story right now but let's see where it goes. Parang walang pressure na, 'This goes here; na ito, pang-cinema; ito, pang-Netflix,” sabi ni Bela sa huli.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SOUTH KOREAN ACTORS NA SINGLE PA RIN NGAYON: