
Thankful si Sparkle actor David Remo sa parangal na natanggap sa katatapos lamang na Asian Top Choice Awards For Outstanding Achievers 2023 na naganap sa Okada Manila noong June 24.
Pinarangalan si David bilang Best Teen Actor, pagkilala sa natatanging husay at talento nito sa larangan ng pag-arte.
"Thank you so much for this award! Thank you so much din po sa mga [sumuporta] sa [akin] all these years," pasasalamat ni David.
Nakatanggap naman si David ng pagbati kay Kapuso actress Kylie Padilla, na gumanap na kapatid niya sa hit series na Bolera.
Walong taong gulang lamang noon si David nang mapahanga niya ang manonood sa mahusay na pagganap sa 2014 GMA series na Niño kung saan nakasama niya si Miguel Tanfelix. Napanood ang aktor sa ilan pang Kapuso shows tulad ng Binoy Henyo, Pari Ko'y, Dangwa, Oh, My Mama!, Daig Kayo Ng Lola Ko, Cain at Abel, Wish Ko Lang, Magpakailanman, at Bolera.
MAS KILALANIN SI DAVID REMO SA GALLERY NA ITO: