Showbiz News

Sophia Senoron, inaming nakaranas ng bullying nang manirahan sa US

By Kristian Eric Javier

Aminado ang Sparkle actress at Voltes V: Legacy star na si Sophia Senoron na hindi naging madali ang kabataan niya dahil sa naranasang bullying nang manirahan sa US.

Sa interview nito sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi rin ni Sophia na nahirapan siyang makahanap ng mga kaibigan dahil sa bullying.

“It was very hard for me to make friends in college, in high school. It was very hard for me to make friends kasi I was constantly being made [fun] of because of the way I speak, the way I talk. 'Yung mga things na alam ko at hindi ko alam, dahil hindi ako lumaki rito, so things like that,” sabi nito.

Sinabi rin ng Kapuso actress na isa sa mga dahilan kung bakit siya nabu-bully ay ang pagiging maarte niya, at sinabing kahit siya ay gugustuhing i-bully ang sarili nang marinig ang recording ng boses niya noong 2015.

“Napakaarte ko. As in hindi na nasa tamang lugar. So binu-bully ako,” sabi nito.

Dagdag pa ni Sophia, “They will tell me na parang ang arte-arte ko, hindi naman ako ganun kaganda. Ang arte-arte ko, parang hindi naman ako ganun kayaman.”

Paliwanag naman ni Sophia, ganun siya kumilos at magsalita dahil very sure siya sa kanyang sarili.

“It comes with the territories. So a lot of people aren't accustomed to women with that integrity. And because of it, parang nagiging sacrilegious sa kanila to push it down because it's unfamiliar,” dagdag pa nito.

Ibinahagi rin niya ang mga naranasan niyang pambu-bully sa US, kung saan pinagtatawanan at kinukwestiyon ang mga ginagawa at sinasabi niyang hindi pamilyar sa kanila. Sa pagbibigay ng halimbawa ni Sophia, binanggit niya ang paggamit ng salitang “sando” para sa tank top, at ang paglagay niya ng pamunas sa likod.

“'Yung pamunas, lagi akong may pamunas sa likod ako kapag nagpi-PE ako tapos tinatanong nila ako kung bakit. 'Why does she have like a towel in her back? Is it because she smell bad? Like they say things like that,” sabi nito.

Dagdag pa nito, dahil daw Asian at Pilipino siya, at dahil wala naman masyadong Pinoy noon sa US, “they would make fun of me because they don't understand me.”

Ngayon, hindi na pinapansin ng aktres ang mga ganitong komento at hinahayaan na lang mga ito.

SAMANTALA, BALIKAN ANG ANTI-BULLYING CAMPAIGN NG ILANG KAPUSO STARS DITO: