Showbiz News

Mapapanood na ang 'Hayate the Combat Butler' at 'One Piece: Strong World' sa Astig Authority!

Hayate the Combat Butler ay mapapanood na this weekend!

Malaki ang pagkakautang ng mga magulang ni Ayasaki Hayate kaya ibinenta siya ng mga ito sa Yakuza. Para makatakas sa sitwasyon na kanyang kinalalagyan, ginawang bihag ni Hayate si Nagi. Ngunit imbes na katakutan ni Nagi si Hayate, inakala nitong nagtapat ito ng pagmamahal sa kanya.

Nakonsiyensya rin si Hayate kaya naman iniligtas niya rin si Nagi sa mga Yakuza. Dahil sa kagandahang loob na ipinakita ni Hayate kay Nagi, ginawa siya nitong butler.

Lubos na natuwa si Hayate. Ipinangako niya kay Nagi na ililigtas buong buhay niyang ililigtas ito sa kapahamakan.

Ano pa nga ba ang kapahamakan na kakaharapin ni Nagi? Maililigtas kaya siya ni Hayate sa mga ito?

Aabangan din natin ang One Piece: Strong World na mapapanood na sa linggo mula 8:30 a.m.

Nagbalik ang legendary pirate na si Shiki. Sa kanyang pagbabalik, nais niyang sakupin ang World Government. Nakaharap ni Shiki ang Straw Hat Pirates na kinabibilangan nina Luffy at Nami. Nakita ni Shiki ang kakayahan ni Nami na makakatulong sa kanyang masamang balak.

Nag-alala si Luffy at ang Straw Hat Pirates kay Nami. Hinanap nila ito upang iligtas sa masamang balak ni Shiki.

Matagpuan pa kaya nila si Nami? Maipatatanggol kaya nila ito laban kay Shiki?

Tuloy-tuloy lang ang saya at adventure sa Astig Authority every weekend! Para sa latest laging bisitahin ang www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.