TV

Ruru Madrid at Matteo Guidicelli, sasabak sa matitinding fight scenes sa 'Black Rider'

Matitindi at cinematic na fight scenes daw ang dapat abangan sa upcoming full action series ng GMA Public Affairs na Black Rider.


Pagbibidahan ito ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid na gaganap sa serye bilang Elias, isang delivery rider.

Kasama niya sa serye si Matteo Guidicelli na gaganap bilang kaibigan at kasangga niyang si Paeng.

Magkasama nilang haharapin ang isang malaking sindikato para makamtam ang hustisya.

Lubos naman ang preparasyon ni Ruru para sa isa na namang maaksiyong serye.

"I also trained in motocross for this. Nag-big bike [training] din ako, nag-track [training] ako dahil magiging challening din 'yung pagmo-motor. At the same time, nag-training din kmi for cinematic fight scenes," payahag ng aktor.

Isang pagkakataon daw ito para sa self-improvement, lalo na at dream come true para sa kanya ang proyekto.

"I just want to get better in every project na ginagawa ko. I guess itong Black Rider 'yung isang proyekto kung saan matagal ko nang pinangarap. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging action star," bahagi ni Ruru.

Humanga naman si Matteo sa mga fight scenes na gagawin nila para sa serye.

"Napakatindi ng mga action scenes from Direk Monti [Parungao] and the writers of course who created this whole series. The action scenes are one of a kind, different," aniya.

Isa rin daw pagpupugay ang serye sa mga delivery riders na nagsilbing frontliners noong kasagsagan ng pandemic.

"They developed this whole show to give due respect sa lahat ng mga frontliners. Noong pandemic, nagmo-motor sila. Lahat ng mga delivery riders, kahit sobrang pandemic, nagtatrabaho pa rin sila," lahad ni Matteo.

Abangan sina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: