
Masusing pinaghahandaan ni Kapuso actress Bianca Umali ang bago niyang pelikula kung saan makakasama niya si National Artist at Superstar Nora Aunor.
Sa isang post sa Instagram, pinasilip ni Bianca ang ilang acting notes niya para sa kanyang sarili.
Bukod dito, pinanood din niya ang iconic 1982 film ni Nora na Himala.
"research & preparation," simpleng caption ni Bianca sa kanyang post.
Ilang araw rin namalagi si Bianca sa Siquijor kung saan nakatakdang i-shoot ang pelikula.
@nahnet_b Work & leisure...Siquijor ❤️
♬ Take You There - Sean Kingston
Wala pang gaanong detalye tungkol sa movie project pero makakasama nina Bianca at Nora sina EA Guzman at Kelvin Miranda dito.
Samantala, kauuwi lang ni Bianca ng Maynila kung saan sinorpresa pa siya ng nobyo at kapwa Kapuso star na si Ruru Madrid. Sinalubong ni Ruru si Bianca sa airport at dinalahan pa ito ng mga bulaklak.
Tulad ni Bianca, busy na rin si Ruru dahil nagsimula na ang taping ng upcoming full action series niya na Black Rider. Abangan ito, soon on GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FAVORITE ACCESSORY NI BIANCA UMALI NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT PHP 25,000 DITO: