
Dalawang pelikulang pinagbibidahan ng naglalakihang Kapuso stars ang kabilang sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Ang pelikula nina Alden Richards at Sharon Cuneta na may pamagat na A Mother and Son's Story ay pasok sa unang apat na entries ng taunang film festival.
Kabilang din dito ang Rewind na pagbibidahan nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Kung ang dalawang pelikulang naunang nabanggit ay drama, isang horror thriller naman ang pagbibidahan nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay na may pamagat na K(ampon).
Magkakasama naman sa isang fantasy action movie na Penduko sina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes.
Ang unang apat na pelikula ay base sa script na pinadala ng production companies. Ang huling apat na pelikula naman ay pipiliin kapag natapos na itong gawin.
Tatakbo ang 2023 Metro Manila Film Festival mula December 25 hanggang January 7 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.