Showbiz News

Look ni Heart Evangelista sa GMA Thanksgiving Gala 2023, kaabang-abang!

By Jimboy Napoles

Puspusan na ang paghahanda ngayon ng Sparkle actress at Filipina fashion icon na si Heart Evangelista para sa kaniyang look sa inaabangang GMA Thanksgiving Gala ngayong 2023.

Hindi maitatanggi na isa si Heart sa naging head turner sa nasabing showbiz event noong nakaraang taon suot ang classy black modern Filipiniana. This year, magiging kaabang-abang din ang gown ni Heart na perfect match umano sa kaniyang short hair.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ni Heart ang ginagawa niyang paghahanda ngayon para sa sinasabing biggest event of the year ng entertainment industry.

“I guess the biggest preparation really was my gown because I had to do many fittings for it cause it has to exactly be made according to your body, the molding and everything,” ani Heart.

Ayon pa kay Heart, masaya siya na makipag-collaborate sa kaniyang designer na gumawa pa ng isang “special accessory” para sa kaniyang isusuot na gown.

Aniya, “I was very happy to work with the designer because they also made a special bag to go with [my gown]. So it's so nice.”

Bukod sa pagsasama-sama ng mga maniningning na artista sa industriya kasama ang GMA Sparkle artists, at media partners, ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.

Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Thanksgiving Gala sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA UNANG GMA THANKSGIVING GALA SA GALLERY NA ITO: