
Matapos ang halos isang dekada, muling nagkaroon ng pagkakataon ang Filipino director na si Adolf Alix, Jr. na makatrabaho ang Sparkle actress na si Jo Berry.
Sa Instagram, in-upload ni Direk Adolf ang isang larawan kasama si Jo.
Sa kanyang caption, ibinahagi ng Kapuso director kung gaano siya kasaya na muling makasama si Jo sa upcoming legal drama series na 'Lilet Matias:Attorney-at-Law.'
Aniya, “Worked with @thejoberry years ago when I did her parents' love story on WAGAS. Happy to be reunited with her in ATTY. LILET MATIAS. Go Atty.!”
Samantala, nagbigay naman ng pasilip ang naturang Lilet Matias: Attorney-at-Law actress sa kanyang look bilang bida nito na si Lilet, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.
Iikot ang istorya ng upcoming Kapuso serye sa journey ni Lilet bilang isang abogada at sa iba't ibang kaso na kanyang hahawakan. Kabilang dito ang isang rape case na kasasangkutan ng kanyang half-sister, na susubok sa kanyang career at magiging dahilan para mabuo ang kanyang pagkatao.
Makakasama naman ni Jo Berry dito ang award-winning young actor na si Joaquin Domagoso, Sparkle beauties na sina Zonia Mejia at Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle heartthrobs na sina Jason Abalos at EA Guzman, at komedyante na si Ariel Villasanta.
BALIKAN ANG MGA HINDI MALILIMUTANG KARAKTER NA GINAMPANAN NI JO BERRY SA GALLERY NA ITO: