
Reunited ang kapwa Kapuso stars at mabuting magkaibigan na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa upcoming full action series na Black Rider.
Ayon kay Ruru, kaabangabang daw ang karakter ni Kylie sa serye.
"Ibang-ibang Kylie 'yung mapapanood niyo. Grabe 'yung drama na maipapakita niya dito," bahagi ng aktor.
Sang-ayon naman dito si Kylie na nagsimula na rin na mag-tape para sa mga eksena niya sa serye.
"Noong binasa ko 'yung script, maganda naman talaga. Maganda 'yung love story. Parang catalyst 'yung character ko para sa magandang storyline niya," lahad niya.
Maraming intense action scenes na rin daw ang nakuhan sa loob lang ng dalawang araw na taping.
Dagdag pa ni Ruru na full action series man ang Black Rider, sinigurado pa rin nila na mae-enjoy ito ng mas malawak na audience.
"Ang aming number one na pambato diyan, action. Hindi siyempre mawawala ang mga drama na eksena kasi siyempre ang dami nating mga dramatic actors na nandirito sa programa po na ito. May comedy rin, ang dami nating komedyante. Parang pinag-isa siya sa isang programa," paglalarawan niya sa serye.
Dapat din daw abangan ang teaser ng serye na siguradong pupukaw sa interes ng mga manonood.
Image Source: johnmychal (Instagram)
"Magugulat kayo sa aming inihandang teaser. We shot this for how many hours. Pinaghandaan namin 'yan. We trained for how many months for that specific scene," bahagi ni Ruru.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Abangan si Ruru Madrid at Kylie Padilla sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: