Showbiz News

'Royal Blood' cast sa mga dapat pang abangan ng manonood: 'Expect the unexpected'

By Aimee Anoc

Nasa ikaapat na linggo na ang pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang Royal Blood.

Sa nakukuha nitong matataas na ratings, hindi maitatanggi na maraming viewers ang hook na hook sa kaabang-abang na mga pangyayari sa Royal Blood. Patuloy ring nakatatanggap ng iba't ibang reaksyon at papuri online ang murder mystery series.

Dahil dito, talaga namang "kinikilig" ang cast sa tuwing nakakakuha sila ng balita na inaantabayanan at marami ang excited sa mga susunod na mangyayari sa Royal Blood.

"It's really heartwarming and I'm sure it makes everyone feel motivated working harder to keep on entertaining and engaging the audience," sabi ni Mikael Daez sa naganap na international media conference ng Royal Blood na inorganisa ng GMA Pinoy TV.

Dagdag pa ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, "Sobrang na-appreciate po namin ang inyong comments, ang inyong feedback. Kinikilig kami na malaman na talagang na-appreciate n'yo 'yung trabahong ginagawa namin dito kaya maraming, maraming salamat sa inyo."

Ibinahagi naman nina Megan Young, Lianne Valentin, at Rhian Ramos, ang mga dapat pang abangan ng manonood sa Royal Blood.

"It's a show that we work really hard on and that we are very excited to share with you," sabi ni Megan. "I'm sure excited ka rin sa mga nabasa mo?" pagtukoy ni Megan kay Lianne.

"Of course! Naku, marami pang revelation na mga mangyayari so expect the unexpected. I-ready n'yo lang talaga 'yung sarili n'yo, mama-mind blown kayo sa lahat ng pwedeng mangyari," sagot ni Lianne.

Agad namang sinang-ayunan ni Rhian ang sinabing ito ni Lianne. Sabi niya, "Oh yes! And always let us know what you think and how you feel. And we really love getting your feedback."

Ini-expect naman ng Kapuso Primetime King na mas marami pa silang mga theories na matatanggap mula sa manonood lalo na ngayong simula na nang paghahanap kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III).

"Expect n'yo 'yung hindi n'yo ini-expect. Ako ini-expect ko na maraming magkakaroon ng theories. Lately, may mga nakukuha akong mga messages sa mga kamag-anak, sa mga kaibigan, siguro si ganyan 'yung pumatay no?

"Ako 'yun lang ang ini-expect ko mas maraming ganung mga theories, which para sa akin ay isang validation na engage sila at kahit papaano nagugustuhan nila at nasusundan nila. Definitely, hanggang dulo mas magiging exciting pa 'yan hanggang matapos. So kapit lang. Sana maging parte kayo ng aming kuwento hanggang katapusan," sabi ni Dingdong.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: