Showbiz News

Herlene Budol is appointed Miss Philippines Tourism 2023

By Jansen Ramos

Itinanghal ang pambato ng Angono, Rizal na si Herlene Budol bilang Miss Philippines Tourism 2023 sa katatapos lang na coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Bukod sa titulo, iginawad din sa Magandang Dilag lead star ang limang special awards na Best in Runway, Miss Arena Plus, Miss Mermaid Manila Hair, Miss Bluewater Day Spa, at Miss Ever Bilena.

Si Herlene ang magiging kinatawan ng bansa sa Miss Tourism World 2023 na gaganapin sa London sa Nobyembre.

Samantala, ang pambato ng Cagayan de Oro na si Nikki de Moura ang nagwagi bilang Miss Grand Philippines 2023.

Kinorohanan namang Reina Hispanoamericana Filipinas 2023 si Michelle Arceo ng Quezon City, at Miss Eco Teen Philippines 2023 si Francine Reyes ng Tarlac.

NARITO ANG ILANG LARAWAN NI HERLENE SA MISS GRAND PHILIPPINES 2023.