Showbiz News

'Na-aappreciate ko 'yung mga taong masarap magluto' - Rodjun Cruz


Kaninang umaga ay nakikanta at nakiluto si Rodjun Cruz sa Kusina Master. Ano kaya ang kanyang masasabi sa experience niya rito?

Kuwento ni Rodjun, “Actually sobrang nakakatuwa, kasi sobrang bait ni Chef Boy talaga. Marami kang matututunan sa kanya, kasi ako 'di ako marunong magluto. Pero na-aappreciate ko 'yung mga taong masarap magluto”.

Isa sa highlight ng show ay ang pagsali ni Len kina Chef Boy, Pekto, at Rodjun. Si Len ay isang working student na idol si Chef Boy. Para may pangtustos sa kanyang pag-aaral, naglilinis ng bahay at naglalaba si Len. Grade 6 pa lamang siya ngayon, pero pinapangarap niyang makatapos ng culinary. Paniniwala ni Len, hindi hadlang ang kanyang edad na 20 years old sa pagtupad ng kanyang pangarap.

Dahil sa nakaka-inspire ng maraming tao si Chef Boy, ipinahayag ni Rodjun ang kanyang paghanga. Kuwento ni Rodjun, “nakikita ko na marami siyang na-iinspire na tao na gustong matuto. Maraming matututunan talaga kay chef, kaya sobrang thankful ako sa opportunity na nakapag-guest ako sa Kusina Master”.

Sa usaping pagkain naman, aminado ang aktor na lahat ng masasarap na luto ay gusto niyang kainin. “Ako kasi mahilig talaga ako kumain ng pasta. ‘Yun ang weakness ko talaga, ‘yung pasta, pizza, chicken. So malakas talaga ako kumain. Lahat ng masarap kinakain ko,” saad niya.

Dahil fit ang aktor, paano niya nga ba napapanatili ang kanyang magandang pangangatawan lalo na kung may masarap na mga handaan?

“Ang gagawin ko kakainin ko 'yun, babawiin ko na lang sa workout,” sagot ni Rodjun.

Para sa iba pang updates tungkol kay Rodjun Cruz at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com. Abangan ang paglabas ni Rodjun Cruz sa Ang Dalawang Mrs. Real.

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com