Showbiz News

Bad Romeo: Alam na ni Kim ang katotohanan

By Abbygael Hilario

Alam na ni Kim (Yaya Sperbund) na niloko siya ng kanyang ama na si Michael!

Sa #BRKatotohanan episode kahapon (July 19), muling nagkaharap sina Kim at Rico (Mario Maurer).

Hiniling ni Kim kay Rico na sana ay pagbigyan siya nito na pirmahan ang divorce papers ngunit ayaw nitong pumayag.

Gusto ni Rico na magdusa si Kim sa kanyang mga ginawa. Iniisip ni Rico na ipinalaglag ni Kim ang kanilang anak at siya ang dahilan kung bakit nagdusa siya noon sa kulungan.

Samantala sa #BRPagdurusa ngayong araw, kinompronta ni Kim ang kanyang ama at sinisi niya ito kung bakit naging miserable ang buhay niya at ni Rico.

Kahit anong sabihin ni Kim ay wala namang pakialam si Michael.

Iniisip lang niya ang kanyang reputasyon bilang isang mayaman at kilalang businessman. Ngayong may pera na si Rico, gusto niya muling maging malapit si Kim dito.

Inuutusan niya si Kim na humingi ng pera kay Rico.

Gagawin kaya ni Kim ang utos ng kanyang ama?

Itutuloy kaya niya ang pagpapakasal kay Tim?

Abangan sa mga susunod na episode ng 'Bad Romeo,' 5:10 p.m., sa GMA Network.

KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: