GMA Logo Ruru Madrid and Black Rider cast
What's on TV

Cast ng 'Black Rider,' puspusan ang paghahanda para sa kanilang action series

By Kristian Eric Javier
Published July 8, 2023 10:32 AM PHT
Updated September 8, 2023 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Black Rider cast


Balik action na si Ruru Madrid sa kanyang bagong serye na 'Black Rider.' Anong paghahanda kaya ang mga ginawa nila?

Matinding paghahanda ang ginagawa ng cast ng bagong action series na Black Rider na pagbibidahan ni Ruru Madrid. Bukod kasi sa kanilang mixed martial arts training, sumabak din ang aktor at ang kanyang mga co-stars sa gun handling at firing.

Sa interview ni Ruru kay Cata Tibayan sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, sinabi ng aktor na ang proyektong ito na ang maitituring niyang pinaka maaksyon sa lahat ng mga nagawa niya.

“Nung binasa ko pa lang yung script, actually nung pinitch pa lang nila sa akin tapos sinabi nila sa 'kin na it's gonna be pure action, so kahit na pagsama-samahin niyo lahat ng projects na nagawa ko at gawing isa, parang ito 'yung kakalabasan, ganun kabigat,” sabi ng aktor.

Makakasama rin ni Ruru sa serye ang pinakabagong Kapuso na si Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Joem Bascon, at marami pang iba.

Kung si Ruru ay excited na sa gagawin niyang action series, inamin naman ni Katrina na malaking adjustment ang ginawa niya dahil 2007 pa siya nang huling gumawa ng action na serye.

Sa parehong interview, sinabi niya, “Kasi yung role ko, magaling e, magaling na assassin so pressure on me so kailangan ko talagang mag-train.”

Pero kahit pressured, sinabi naman nito na masaya siyang makasama sa cast ng Black Rider.

Para naman kay Joem, na first time gagawa ng action series sa GMA, sinabi niyang maaaring mahalin o kainisan ang karakter niya.

Nang tanungin naman siya tungkol sa kanyang karakter, ang masasabi ni Joem, “It's very intense, 'yun ang masasabi ko sa character ni Jasper. Very carnal, nagpapadala siya lagi sa emosyon niya.”

Sinabi rin ni Ruru na marami pang artista ang makakasama nila sa serye at asahan ang sorpresa na inihanda ang Black Rider sa mga manonood.

Panoorin ang interview ng cast ng Black Rider dito:

SAMANATALA, TINGNAN KUNG SINO SINO ANG CAST NG 'BLACK RIDER' DITO: