Showbiz News

Allen Ansay, Bryce Eusebio, Anjay Anson are getting ready for the GMA Gala 2023

By Dianne Mariano

Naghahanda na sina Sparkle stars Allen Ansay, Bryce Eusebio, at Anjay Anson sa kanilang magiging elegant formal attires para sa highly anticipated event of the year, ang GMA Gala 2023.

Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, ibinahagi ang larawan ng tatlong Kapuso actors kung saan sila ay nag-fitting para sa kanilang suits na idedesenyo ng fashion designer na si Francis Libiran.

“Allen Ansay, Bryce Eusebio, and Anjay Anson will be gracing the #GMAGala2023 in suits by @francislibiran8. We can't wait to see their full looks on the red carpet! For now, here they are at today's fitting,” sulat sa caption.

Marami pang Sparkle at Kapuso celebrities ang busy sa paghahanda para kani-kanilang looks sa nalalapit na grand event. Mayroon ding isinagawang prom-posals ang ilang Sparkle actors para sa kanilang mga nais maka-date sa gala.

Samantala, masusing tinutukan ng Kapuso executives ang mga paghahanda para sa event, mula sa creative execution hanggang sa banquet para sa tinatayang halos 1,000 na mga personalidad na dadalo rito.

Sa isang panayam, ibinahagi ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na bukod sa Sparkle at Kapuso stars ay dadalo rin ang iba pang media partners at non-GMA artists sa GMA Gala 2023.

“It might be the event of the year kasi nandiyan of course ang ating artists pero invited din ang lahat ng partners natin, those na naka-collaborate natin.

“So pati 'yung mga artists that we worked with na not from GMA will also be there, so we're very excited,” pagbabahagi niya.

Ang GMA Gala 2023 ay isa ring fundraising event kung saan ang malilikom na pondo ay ibabahagi sa GMA Kapuso Foundation at sa kanilang beneficiaries.

SAMANTALA, BALIKAN ANG OLD HOLLYWOOD LOOKS NG SPARKLE STARS, KAPUSO CELEBRITIES, AT IBA PANG PERSONALIDAD SA GMA THANKSGIVING GALA 2022 DITO.