Showbiz News

Gladys Reyes: 'A mother's love is unconditional'


Inamin ni Gladys Reyes sa interview niya sa GMANetwork.com na noon ay overprotective siya bilang nanay, pero ngayon ay nagbago na siya. May tatlong anak na si Gladys with Christopher Roxas, sina Gian-Christopher, Aquisha at Grant-Carlin.

Sabi niya “Dati overprotective ako, pero natutunan ko na sige, let them enjoy their moment as a kid. Let them explore.” 

Dagdag pa ng Kambal Sirena star, naniniwala siya na kapag hinayaan mo ang bata na maglaro ay may matutuhan sila, pero sinisiguro niyang may boundaries ang mga ito para maiwasan na masaktan o maaksidente.

Ayon sa aktres itinuturing niya na masuwerte raw siya kasi ang location ng taping nang Kambal Sirena ay malapit sa kanyang bahay, kaya hindi siya nahihirapan na makipag-bonding sa mga anak kasi nadadala niya ito tuwing may shooting.

“Basta para sa anak, all to give ka lalo na 'yung lahat ng pagmamahal, emotionally 'ayun. Hindi nauubos-ubos 'yun basta para sa anak,” saad ng aktres.“A mother’s love is unconditional, kasi you just keep on giving without expecting anything in return,” dagdag pa niya.

Marami rin daw siya natutuhan sa kanyang mommy na ngayon ay ginagawa niya sa mga anak tulad ng breastfeeding. Pagmamalaki ng aktres na lahat ng kanyang anak ay breast-fed for almost two years at worth it daw sa daming nakuhang benefits ng kanyang mga anak.

Na-appreciate din daw ng aktres 'yung paulit-ulit na pangangaral ng mommy niya dati, kasi alam na niya ngayon bilang isang ina na para sa ikabubuti ng anak ang lahat ng mga advice.

Hindi rin daw dapat minamaliit ang pagiging housewife dahil napakahirap na gawain ito. “Pag house wife ka lahat hands-on ka hindi lang sa anak mo (at) sa gawain bahay, “ pagtatapos ng ulirang mommy.

Mapapanood si Gladys Reyes sa Kambal Sirena, weeknights sa GMA Telebabad, at sa Basta Everyday Happy simula sa Lunes.

- Text by Aedrianne Acar, Photos by Bochic Estrada