Showbiz News

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado attend the GMA Gala for the first time

By Dianne Mariano

Isa sa mga power couple na dumalo sa highly-anticipated event of the year na GMA Gala 2023 sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Ayon kina Dennis at Jennylyn, ito ang unang pagkakataon na dumalo sila sa GMA Gala. Hindi rin daw sila nakadalo sa GMA Thanksgiving Gala 2022 dahil kakapanganak lamang noon ni Jennylyn sa anak na si Dylan.

“Medyo naninibago kasi ngayon lang kami talaga kami lumabas sa malalaking event na katulad nito ulit,” ani Kapuso Drama King sa panayam sa kanya nina Sparkle hosts Martin Javier at Rain Matienzo.

Bukod dito, nakaramdam sina Dennis at Jennylyn ng excitement sa kanilang pagpunta sa GMA Gala 2023 sa unang pagkakataon.

“Kasi ito 'yung first time ko tapos ang tagal kong hindi nakapunta sa mga events. Actually kahit sa taping, ang tagal kong hindi nakapag-taping so excited ako makita 'yung old friends ko sa showbiz, 'yung aming mga boss, excited kaming makita lahat sila ulit,” ani Jennylyn.

Dagdag naman ni Dennis, “Excited [ako] makita silang lahat at makapagpasalamat in person sa ating mga boss at sa mga kaibigan natin na nandyan.”

Para sa kanilang looks, suot ni Dennis ang black velvet suit na gawa ni Rodel Briñas habang looking radiant naman si Jennylyn sa kanyang green long gown, na dinisenyo ni Anthony Ramirez.

SAMANTALA, TIGNAN ANG STUNNING LOOKS SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 DITO.