Showbiz News

Gown ni Sofia Pablo sa GMA Gala 2023, inspired ng kanyang previous teleserye roles

By Jimboy Napoles

Standout ang beauty ng Sparkle actress na si Sofia Pablo sa ginanap ng GMA Gala 2023 suot ang kaniyang pink long gown na inspired sa kaniyang teleserye roles.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktres, ibinahagi niya na magkatuwang sila ng fashion designer na si AJ Javier sa nag-isip ng design ng kaniyang gown.

Aniya, “'Yung look ko po is a collaboration between me and my designer AJ Javier kasi we want to create a classy, elegant look pero maso-showcase pa rin 'yung youthfulness ko.”

Ayon kay Sofia, inspired ng kaniyang dating teleserye roles ang ilan sa mga detalye ng kaniyang gown.

“'Yung mermaid silhouette ng gown ko was inspired by my mermaid role Raya Sirena kaya I also have freshwater pearls, and 'yung orchid robe ko it was inspired by romanticism and 'yung floral occasion nung nag-taping kami sa Baguio para sa first series namin together [Allen Ansay] na Luv Is: Caught In His Arms.

Maging ang kulay ng kaniyang outfit ay may ibig sabihin din, “'Yung color pink, inspired 'yun sa sweetheart vibes ko.”

Kasama naman ni Sofia na dumalo sa GMA Gala 2023 ay ang kaniyang on screen partner na si Allen Ansay na nakasuot ng isang black suit na gawa ni Francis Libiran.

Bukod sa naging masayang pagsasama-sama ng mga artista, ang GMA Gala 2023 ay isang fundraising event na naglalayong makatulong sa lahat ng beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation.

SILIPIN NAMAN ANG STUNNING LOOKS NG CELEBRITY COUPLE AND LOVE TEAMS SA GMA GALA 2023 DITO: