GMA Logo Jillian Ward
Source: jillian/IG
What's Hot

Jillian Ward, proud sa kaniyang nakamit na bagong milestone

By Kristian Eric Javier
Published July 25, 2023 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran’s Ricardo laments 'ugliest quarter' of season in Game 1 loss vs San Beda
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Bukod sa success ng serye niyang 'Abot-Kamay na Pangarap,' ibang milestone ang nakamit ni Jillian Ward kamakailan. Alamin dito:

Isang panibagong milestone ang naabot ng Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Jillian Ward dahil isang araw pagkatapos ng GMA Gala 2023, ay graduation naman niya ang dinaluhan niya.

“Sobrang symbolic po e, na nasa gala po ako tapos graduation ko po so kumbaga, I feel super blessed kasi na-balance ko din po 'yung school and 'yung work,” sabi ni Jillian sa interview niya kay Aubrey Carampel para sa Balitanghali.

Ang nakamit niyang bagong milestone na ito, ayon kay Jillian, ay dahil sa “strong support system” na nakapaligid sa kaniya.

Ngayong graduate na si Jillian ng senior high school, ibinahagi niya na business ang gustong kuning kurso sa kolehiyo, pero pinag-iisipan din umano nito kumuha ng law, o gawing realidad ang role niya na maging doktor.

Aminado rin ang Kapuso actress na hirap siyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, ngunit naging motivation at inspirasyon niya ang kaniyang pamilya.

Samantala, isang mensahe ang iniwan ni Jillian sa mga working students at iyan ay ang 'wag tumigil hanggang maabot ang kanilang mga pangarap.

“Fight, fight, fight lang ng fight and tandaan n'yo lang kung ano ba 'yung nagbibigay sa inyo ng drive,” sabi nito.

“Kung minsan pagod kayo or tinatamad na kayo, tandaan n'yo lang 'yung nagpapa-inspire sa inyo. Kasi ako, nagpapa-inspire sa'kin sina mama, papa, so lagi kong ginagalingan talaga sa work and pati na rin sa studies ko and para maabot 'yung mga pangarap ko,” dagdag pa nito.

Bukod sa kaniyang graduation, ipinahayag rin ni Jillian sa hiwalay na interview kay Aubrey noong gala night, na grateful siya na makasama muli sa malaking event na iyon ng GMA.

“Second gala ko po ito and it's my 13th year sa GMA so forever proud Kapuso. Dito na po ako tumanda at dito na po ako magse-stay forever,” ani ng aktres.

Panoorin ang buong interview ni Jillian dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG TRANSFORMATION NI JILLIAN MULA CHILD STAR TO TEEN STAR DITO: