GMA Logo jillian ward
Courtesy: GMA Network
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' lead star Jillian Ward receives Best Actress in Daytime Series award

By EJ Chua
Published April 20, 2023 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Congratulations, Jillian Ward!

Kinilala si Jillian Ward bilang Best Actress in Daytime Series para sa kanyang role sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Natanggap ni Jillian ang pagkilala mula sa 12th Northwest Samar State University Students' Choice Awards for Radio and Television.

Ang Sparkle star ay patuloy na hinahangaan ng viewers at netizens dahil sa kanyang husay sa pag-arte bilang si Dra. Analyn Santos, isang genius na kilala bilang pinakabatang doktor sa bansa.

Kasalukuyan siyang napapanood bilang isa sa mga doktor sa APEX Medical Hospital, kung saan kasama niya ang ilan pang karakter na sina Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), Doc Luke (Andre Paras), Dra. Eula (Denise Barbacena), Nurse Karen (Eunice Lagusad), Madam Giselle (Dina Bonnevie), at marami pang iba.

Bukod sa pagiging doktor, isa ring mapagmahal na anak si Analyn sa kanyang nanay na si Lyneth, ang karakter ni Carmina Villarroel sa serye.

Siya rin ay anak ni Doc RJ, ang role ng Chinito actor na si Richard Yap sa naturang afternoon show.

Matatandaang sa isang panayam, ikinuwento ni Carmina na maswerte sila ni Jillian sa isa't isa. Ito raw ay dahil mayroon silang instant connection kaya naisasabuhay nila ng maayos at epektibo ang kanilang role bilang mag-ina.

Samantala, noong January, kinilala bilang Television Drama of the Year ang Abot-Kamay Na Pangarap sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards.

Sinu-sino pa kaya ang makakasalamuha ng karakter ni Jillian sa serye?

Patuloy na subaybayan ang GMA's top-rating series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: