Showbiz News

Barbie Forteza pokes fun at herself after fans tease her about David Licauco, Joshua Garcia, and Jak Roberto

By Kristian Eric Javier

Matapos makatanggap ng papuri bilang Best Dressed mula sa mga co-actors sa nagdaang GMA Gala 2023, hindi maiwasang mag-react ng Kapuso Primetime Princess at Maging Sino Ka Man star na si Barbie Forteza sa mga pumuri sa kanya.

Sa Twitter, isang netizen ang nag-compile ng mga sagot nina Jak Roberto, David Licauco, at Joshua Garcia patungkol kay Barbie noong GMA Gala 2023.

Ang nakakatawang reaksyon ni Barbie: “Kaya nababash e 🤣 Ganda ka teh? 🤪🤪🤪”

Hiwalay na nag-react din si Barbie sa mga sagot ng tatlong aktor sa Twitter.

Nang tanungin ang boyfriend nitong si Jak Roberto kung sino ang gusto nitong maka-dinner date, ang sagot ng aktor ay “Barbie Forteza lang, sakalam.”

At ang sagot ni Barbie, “6yrs na tayong nagdidinner together! Hahaha! Dessert naman 😋”


Samantala, tinanong naman ang kanyang Maging Sino Ka Man co-lead na si David kung ano ang most memorable na series or show na ginawa niya, at ang fondest memories niya dito.

Sinagot ni David na Maria Clara at Ibarra ang most memorable teleserye para sa kanya at ang mga eksena nila ni Barbie ang fondest memories ng aktor. Kitang-kita rin ang pag-ngiti nito, isang bagay na hindi nakaligtas kay Barbie.

“Bat ka napangiti? Ano naalala mong memory? Hahahaha! Can't wait to do more scenes with Carding!” komento nito sa video interview.


Si Joshua Garcia, na lead ng seryeng Unbreak My Heart, ay tinanong naman kung sino para sa kanya ang "best dressed" sa Gala.

“Barbie. Siya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko 'ang ganda ng dress nito. Hindi siya ganun ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nung babae,” sagot nito.

At ang sagot ni Barbie sa kanya, “Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat! 😉”


SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA CELEBRITY AWARDEES SA GMA GALA 2023 DITO: