Showbiz News

Thea Tolentino shares her struggle after GMA Gala 2023

By Abbygael Hilario

Ibinahagi ng Kapuso star na si Thea Tolentino sa social media ang naging “struggle” niya matapos ang star-studded GMA Gala 2023 noong Sabado, July 22.

Sa Instagram, in-upload ni Thea ang ilan sa kanyang mga larawan at video habang tinatanggal ang kanyang makeup at hair accessories.

Aniya, "After #GMAGala2023 at 3AM. Masakit katawan, pagod at hirap na hirap tanggalin ang mga nasa hair."

Biro niya pa, "Pwedeng pang isang linggong ayos sa tibay."

Mukhang marami naman sa kanyang followers ang tila naka-relate sa kanyang sitwasyon kabilang na ang Sparkle actress na si Jenzel Angeles.


Samantala, sa GMA Gala 2023, rumampa si Thea sa red carpet habang suot ang kanyang sexy-fitted gown na gawa ng fashion designer na si Louis Pangilinan.

TINGNAN ANG IBA PANG STUNNING LOOKS NG INYONG FAVORITE CELEBRITIES SA GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: