Showbiz News

Bad Romeo: Patuloy na susuyuin ni Kim si Rico!

By Abbygael Hilario

Panahon na para si Kim (Yaya Sperbund) naman ang bumawi kay Rico (Mario Maurer).

Sa #BRLamanNgPuso episode ngayong araw, pinirmahan na rin ni Kim ang divorce papers. Sinimulan na rin niya ang kanyang panunuyo kay Rico.

Kahit na hiwalay na sila sa isa't-isa, gusto pa rin ni Kim na maging maayos ang relasyon niya kay Rico kung kaya't ginagawa niya ang lahat upang lumambot ang puso nito sa kanya.

Pagkalabas niya mula sa ospital ay diretso siyang umuwi sa probinsya ni Rico upang mas magkaroon siya ng pagkakataon na makausap ito. Alam niya na hindi papayag si Rico na manatili siya roon kung kaya't nagpanggap siya bilang si Lita. Akala ng ama ni Rico ay mayroon silang bisita ngunit hindi nila inasahan na si Kim pala ang darating.

Saan man magpunta si Rico, laging nakasunod si Kim. Kahit anong gawing pang-aakit at panunuyo naman ni Kim, walang talab kay Rico!

Hanggang kailan kaya matitiis ni Rico si Kim? Talaga bang wala na siyang pagtingin para sa dati niyang mahal?

Abangan sa mga susunod na episode ng Bad Romeo, 5:10 p.m., sa GMA Network.

KILALANIN ANG CAST NG BAD ROMEO SA GALLERY NA ITO: