GMA Logo Angelicas IG Story
What's Hot

Angelica Panganiban may hugot post online: 'All they want is to see my baby. But not really visiting me'

By Aedrianne Acar
Published July 27, 2023 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

How teamwork led to Gallery by Chele’s first Michelin star | Power Talks with Pia Arcangel
The Voice Kids Philippines stages its grand finale this December 14
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Angelicas IG Story


Alamin ang kuwento sa post ni Angelica Panganiban sa Instagram Story DITO.

Maraming netizen ang nakapansin sa tila hugot ng versatile TV-movie actress na si Angelica Panganiban sa post niya sa Instagram Story.

Wala man tinutukoy na partikular na tao ang Kapamilya star, makahulugan ang mensahe ni Mommy Angelica.

Sabi niya sa post, “Hmmm…. Until now hindi pa rin ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really visiting me.”

Dito ibinahagi rin niya na may tinamo siyang hip injury. Dagdag niya, “Not a single text on how's my hip injury. If I still have postpartum blues. But, nasanay naman na ako. Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?”

Isinilang ng aktres ang baby girl niya na si Amila noong September 2022.

Samantala, naghahanda na rin si Angge at fiancé niya na si Gregg Homan sa kasal nila sa susunod na taon. Matatandaan na isinapubliko ng dalawa ang kanilang engagement noong October 8, 2023.

Sabi ni Angelica sa isang vlog last month, “Parang twice na naming dinelay 'yung wedding. Last year (2022) and this year (2023), dapat aalis tayo. Ilang beses naming triny mag-elope, so parang ayaw ng mundo na itago namin. Malakas magdasal 'yung mga kaibigan at ang family members namin. So ngayon parang mukhang matutuloy na siya," she said.

"Meron na kaming save the date, sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na."

Dagdag niya, "Sa mga friends namin na sobrang busy 'yung schedule nila sa life, like marami silang mga commitments, inunahan na namin sila na i-save na 'yung araw na iyon."

“So, finally papakasalan ko na 'to [points to Gregg], kasi talagang deads na deads sa akin.”

MEET THE CUTE DAUGHTER OF ANGELICA PANGANIBAN HERE: