Showbiz News

Linggo ng pagtataksil at rebelasyon sa GMA Afternoon Prime

Villa Quintana, Innamorata, at The Borrowed Wife.

Narito ang mga eksenang hindi ninyo dapat pinalampas sa inyong paboritong Afternoon Prime shows.
 

Villa Quintana


Nagpunta si Lumeng sa bahay ni Janice upang hanapin ang asawang gabi na ay hindi pa rin umuuwi. Pagdating nila roon, ang ina ni Janice
ang humarap sa kanila. Sinabi nitong wala si Felix doon.

Paalis na sina Lumeng ngunit bigla niyang narinig si Janice na tinatawag ang asawa niya. Huminto si Lumeng at paglingon niya, nakita niya si Felix na hinahabol ni Janice. Galit na galit si Lumeng sa dalawa dahil halatang pinagtaksilan siya ng mga ito dahil nakatapis lang ng kumot si Janice at bitbit pa ni Felix ang sapatos niya habang mabilis na naglalakad palabas.

Tig-isang sampal ang ibinigay nina Felix at Janice kay Lumeng bago siya umalis.

Magkakaayos pa ba sina Lumeng at Felix?
 
 
Innamorata


Hindi titigil si Gina hanggat hindi niya nakukuha si Edwin. Kaya’t nanggulo siya sa kasal nina Esper at Edwin. Hindi ito basta pagtutol dahil ibinuking niya ang lihim ni Esperanza.

Sa harap ng altar at ng lahat, hinila ni Gina ang mahiwagang kwintas na suot ni Esper. Dahil hindi na siya nababalot ng kapangyarihan ng mahiwagang kuwintas, bumalik si Esper sa tunay niyang itsura.

Ikinagulat ito ni Edwin at iniwan niya si Esperanza. Pati ang inang si Alice ay hindi malapitan ang anak dahil sa pagkabigla.

Matutuloy pa ba ng kasal nina Esperanza at Edwin?
 

The Borrowed Wife


Hawak na sana ni Rico si Larry para paaminin tungkol sa pekeng Maricar ngunit nakalusot ito kina Rico.
 
Si Larry na lang ang natitirang pag-asa para mabigyang linaw kung nasaan ba talaga ang totoong Maricar. Nauubusan na ng oras si Rico dahil malapit nang umalis sina Earl at Sophia patungong Amerika para tuluyang lumayo kay Rico.
 
Malalaman ba ni Rico ang katotohanan bago pa umalis sina Sophia o tuluyan niya nang hindi mababawi ang asawa?
 

Patuloy na panoorin ang Villa Quintana, Innamorata, at The Borrowed Wife sa GMA Afternoon Prime, weekdays after Eat Bulaga.

– Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com