Showbiz News

Test Your Knowledge: Mother’s Day at Celebrity Bluff


Dahil sa Mother’s Day, nag-compete ang mga mother-child pairs sa Celebrity Bluff. Tinalo nina Snooky Serna and Sam Cepeda, ang teams nina Tina and Derrick Monasterio at Melanie Marquez and Michelle Dee.

Isama ang mga mommies sa pagsagot ng quiz na ito para alamin kung kayang tapatan ang beauty at brains nina Snooky at Sam.

1. Anong isda ang isa sa pangunahing sangkap ng world famous na Worsestershire Sauce?

A. Soya fish
B. Alamang
C. Dilis or anchovy

2. Ang 4.4 billion year-old na 'Zircon' ay isang uri ng ano?

A. Gas
B. Crystal
C. Meteorite

3. Sa original version ng fairy tale, gaano raw katagal natulog si Sleeping Beauty bago siya nagising sa halik ng isang prinsipe?

A. 99 years
B. 100 years
C. 200 years

4. Noong bata pa siya, pinangarap ng Nazi leader na si Adolf Hitler ang maging isang ___?

A. Pari
B. Guro
C. Model

5. Anong year naganap ang first call using a cellphone?

A. 1975
B. 1976
C. 1973

6. Ayon sa isang scientific study, anong kulay daw ng kuwarto ang nagdudulot ng pagkakairita at pagpapaiyak sa babies?

A. Pula
B. Violet
C. Yellow

7. Sinu-sino ang mga sumusunod na celebrities ang only child?

A. Kobe Bryant
B. Leonardo Dicaprio
C. Oprah
D. Tiger Woods
E. Daniel Radcliffe
F. Alicia Keys

Answer key:

1. C -- Bukod sa iba't ibang flavoring and spices, ang isa pang main ingredient sa paggawa ng Worsesterschire Sauce ay ang dilis.
2. B -- Ayon sa mga scientists, ang Zircon ay ang oldest mineral na nabuo sa earth's crust. Ang Zircon ay isang uri ng crystal.
3. B -- Ayon sa original version ng Sleeping Beauty, within the castle lies a beautiful princess who is doomed to sleep for a hundred years whereupon a king's son will come and awaken her.
4. A -- Nung bata si Adolf Hitler, ang pangarap niya ay maging isang pari.
5. C -- Ang first call using a cellphone was made by Martin Cooper. Tinawagan niya ang kanyang mahigpit na kalaban sa pag-develop ng cellphone noong April 3, 1973.
6. C -- Although associated sa happiness ang yellow, nagreresulta daw ang color na ito sa excessive stimulation ng ating mga mata kaya ang mga babies ay naiirita.
7. B, D, E, F

Patuloy na i-challenge ang sarili sa nakakatawa at nakakatuwang mga Sabado sa Celebrity Bluff.