Showbiz News

Royce Cabrera movie 'Marupok AF (Where Is The Lie)', opening sa Cinemalaya 2023

By Aimee Anoc

Excited na si Royce Cabrera para sa pagsisimula ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong araw (August 4) sa Philippine International Convention Center kung saan opening film ang bagong niyang pelikula na Marupok AF (Where Is The Lie) na idinirehe ni Quark Henares.

Sa press interview, ibinahagi ni Royce na nagulat siya nang inanunsyo na magiging opening film na ang Marupok AF (Where Is The Lie) para sa 19th edition ng Cinemalaya.

"Noong unang announcement po kasi closing film kami. Nagulat nga po ako naging opening film na kami, which is magandang bagay po kasi alam naman po natin na kapag opening ceremony ng isang event talagang malaking bagay po iyon," pagbabahagi ng aktor.

MAS KILALANIN SI ROYCE CABRERA SA GALLERY NA ITO:

Kakauwi lamang ni Royce galing New York noong Huwebes (August 3) kung saan dumalo ito sa naganap na New York Asian Film Festival para sa screening ng bago niyang Cinemalaya film na Where Is The Lie kasama si Direk Quark.

"'Yung film namin ay first time screening din po rito sa [Pilipinas], alam natin na marami ring nag-aabang kaya hindi ko maipaliwanag na parang sunod-sunod pa 'yung nangyayari sa akin ngayon.

"Kaya hindi pa nagsi-sink in sa akin lahat ng mga kaganapan which is super thankful po ako. Unang-una syempre sa Panginoong Ama, tapos sa lahat po ng mga taong nakapaligid sa akin dahil sila rin po ang naging dahilan kung bakit ginagawa ko po itong bagay na ito," dagdag niya.

Ayon kay Royce, ang dark comedy film ay tungkol sa catfishing na nangyayari sa social media. Makikilala si Royce sa pelikula bilang Theo Balmaceda at makakasama niya rin dito sina EJ Jallorina bilang Janzen Torres at Maris Racal bilang Beanie Landridos.

"Ito pong Marupok AF (Where Is The Lie) ay base on true story or event na nangyari noong first season po ng quarantine natin. It's all about catfishing. Kita naman po natin 'yung trans and then ako at saka 'yung isang lead e' doon po umikot 'yung story sa pagka-catfish na nangyari na ginawa nila," paliwanag ng aktor.